Share

Chapter 02

Author: Calut qho
last update publish date: 2026-01-27 15:37:01

HABANG nakikipag-usap si Daryll sa kliyente, panay ang unog ng kaniyang cellphone sa kaniya bulsa, bagay na pasimple niya itong tiningnan.

“Anak ng tokwa!” bulalas niya, bagay na mabigla rin ang kaharap.

“May problima po ba, Mr. Monteverde?” Tanong ng kausap.

Agad namang napatingin si Daryll sa kausap at pilit iyong nginitian. “No, Mr. Chui. May nakita lang akong hindi kaaya-aya. Sige po, ituloy niyo lang po ang sinasabi niyo.”

“Ah, sige.” Ipinagpatuloy nga ng kausap ang diskusyon, at muling itinuon roon ni Daryll, ang atensyon at hinayaan na muna ang pagtunog ng kaniyang cellphone.

“Paano, Mr. Monteverde, mauna na kami.”

“Sige po mr Chui, ingat.” Tugon naman ni Daryll, matapos magpaalam ng kausap.

Nang makaalis siI mr. Chui, dali-dali namang binuksan ni Daryll ang kaniyang cellphone. At laking gulat niya nang bumungad ang bumabang notification mula sa bangko.

“Pambihira, El. Kontakin mo nga yung ang manager ng Bar,” utos niya sa kanang kamay na agad naman nitong sinunod.

“Anong kababalaghan ba ginawa ng dalawang iyon, at kalaki agad na kaltas? Wala pa nga dalawang oras, pero iyong nagastos pwede nang ipampakain sa buong baranggay?” naibulong na lamang ni Daryll, habang hindi natigil ang pagkibo ng bibig.

“Boss, ang sabi po eh, um-order po sila nang mga limited edition na wine, at saka mga male model ho.”

“Ano! Male model?” gulat na aniya sabay hampas sa upuan.

“Ye-yes Boss, ‘yon po ang sabi ng manager.”

Agad namang tumayo si Daryll, para umalis ng silid. “Okay, let’s go.”

“Boss?”

Napukonot naman ng kaniyang noo si Daryll, sa tanong ni El. “I said, let’s go, pupuntahan natin sila. Baka malaman pa ni Mom, ang tungkol rito. Ayaw kong sirain niya ang plano ko.”

“Ah, ganun ba Boss?” napangiti na lang si van, habang nakasunod sa among palabas ng silid.

SA KABILANG DAKU, napuno ng ingay ang isang silid ng bar na pinasukan nina Angel at Ezra, kasama ang mga lalaking inarkila nila para sa selebrasyon. Tumutugtog ang isang upbeat na musika, halos lahat ng naroon ay nag-eenjoy sa kasiyahan.

“Woah! Ang saya!” hiyaw ni Angel, habang nakikipaggsayaw sa mga guwapong inarkila nila.

“Oo nga besh, ang guguwapo ng mga ‘toh,” masiglang tugon naman ni Ezra, habang tangan ang basong may lamang alak. Nakailang shot pa si Ezra, sa bawat paglagok ay nagdadagdag ng init sa kanyang pisngi at lakas ng loob.

“Besh, parang lasing na yata ako,” ani Ezra habang pinapahid ang namumuong pawis sa kaniyang noo. Saglit pa s’yang Napapikit at dinadama ang unti-unting pag-ikot ng paligid.

“Ako rin besh,” sagot naman ni Angel, sabay tawa nang malakas. “Pero laban pa rin!”

“Boys! Gandahan niyo naman ang pagsayaw,” hiyaw ni Angel, sabay pitik ng kaniyang daliri. Agad namang sinunod ng mga lalaki ang utos, at mas pinaghusayan pa ang bawat galaw, may pa-pirouette at slow grind pa.

Ilang sandali pa, ay lasing at wala na sa sarili sina Ezra at Angel na nagwawala sa loob ng silid, na sinabayan naman ng mga kalalakihang inarkila. Ngunit Napalingon na lamang sila nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa mula roon si Daryll na hindi na maipipinta ang mukha.

“What's going on here?” malamig na ani Daryll, at masakit na tinapunan nang tingin ang lasing at wala sa sariling pamangkin.

“Hi po, Tito.”

Umagaw naman agad sa atensyon ni Ezra ang lalaki, bagay na pakinto-kinto s’yang naglakad upang salubungin ito. “Oyy… Besh, hindi mo naman sinabi na may kumuha ka pa lang mas guwapo pa sa mga ‘toh.”

Nang makalapit na si Ezra Kay Daryl, ay agad namang ipinulupot ni Ezra ang mga kamay sa leeg nito. “Sayaw tayo.”

Nagtangis at agad namang naikuyom ni Daryll ang kaniyang kamao dahil sa ginawa ng babae. “Hey, puwede bang ikalma mo iyang sarili mo. Parang hindi ka babae.”

“No, sayaw muna tayo please,” pagpupumilit pa ni Ezra.

“Iuuwi na muna kita, baka kung mapano ka pa sa lagay mong iyan. Ang lakas nang loob n’yong iputan ako at sarili ko pa talagang pera ang ginasta niyo?” naiwika ni Daryll, ngunit hindi na iyon inalintana pa ni Ezra.

“El. Iuwi mo na muna iyang si Angel at bukas kami magtutuos. Wala talagang kadala-dala ang babaeng ‘yan.”

“Yes Boss,” tugon naman ni El. Agad namang binuhat ni Daryll, palabas ng silid si Ezra. Nagpupumiglas pa ito ngunit hindi rin umobra sa lakas ni Daryll. “Hey, ibaba mo nga ako. Saan mo ba ako dadalhin?”

“Umayos ka nga, kung ayaw mong bitawan kita riyan.” Imbis na makipagtalo, tumahimik na lamang si Ezra. At saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaking kumalong sa kaniya.

“Ang sungit-sungit mo naman. Sayang guwapo ka pa naman,” naibulong pa ni Ezra, bago tuluyang ipikit ang mga mata, bagay na mapangiti na lang si Daryll na binuksan ang pinto at inayos ang babae sa loob ng sasakyan upang malisan na nila ang lugar.

KINAUMAGAHAN ang mainit na sinag ng araw ang nagpagising kay Ezra. Hindi siya pamilyar sa lugar, bagay na iginala niya ang paningin sa silid.

“Nasaan ba ako? Kaninong silid itong napasukan ko–” ngunit hindi na niya magawang tapusin ang sasabihin nang mapansin ang lalaking nakatalikod sa tabi niya. Agad s’yang napatili at walang pagdududa nasinipa ang katabi.

“What the– anong problima mong babae ka?” bulalas nito at saka napahawak sa mukhang tumama sa sahig.

“A-anong ginawa mo sa akin? Bakit tayo magkasama sa iisang kama? At bakit wala kang damit pang itaas? Anong ginawa mo sa akin?” nauutal at nalilitong tanong ni Ezra sa lalaki.

Tumayo at inayos naman ni Daryll, ang sarili at ngumisi nang pilyo. “Well, gusto mo bang ipag-alala ko sayo ang nangyari sa atin kagabi?”

Nataranta naman si Ezra sa pinagsasabi ni Daryll. “A-anong nangyari? May nangyari ba sa atin?”

“Are you sure, Wala kang maalala sa nangyari sa atin kagabi?”

“Ingot ka pala eh, tatanungin ba kita kung naaalala ko ang nangyari sa atin kagabi?” naiiritang ani Ezra, ngunit humalakhak lang si Daryll.

“Bastos!” bulalas ni Ezra, sabay bato ng dinampot na unan sa lalaki.

“Anong bastos? Huh, ako pa ngayon ang bastos sa lagay na ‘toh?” natatawang naisambit ni Daryll.

“Baka gusto mong ipakita sayo ang video mo kagabi, Ikaw nga itong ayaw humiwalay sa akin. Tapos ako pa ang sasabihin mong bastos? Sinukahan mo pa nga ako,” reklamo pa ni Daryll sabay turo ng laundry basket na may lamang basahan.

Natahimik at napatitig na lang si Ezra sa gawi ng tinuruong basket ni Ezra. Dahil sa nakita ay may isang alaala ang gumuhit sa kaniyang isipan. “Diyos ko! Totoo ba ‘yon? Hinalikan ko a-ang lalaking ‘toh?” naibulong niya sa sarili.

“So, ano? Naalala mo na ba?”

Ngunit imbis na magsalita ay natulala,tila lumipad ang isip ni Ezra, habang idinadampi ang kaniyang daliri sa kaniyang labi.

“So-so… may nangyari nga sa atin?” naiilang na tanong niya sa lalaki. Ngunit humalagpak lang ito ng tawa.

Napailing na lamang si Daryll, bago siya sinagot. “Well….”

“Kay tagal kong iningatan ang lahat! Tapos makukuha lang basta-basta, nang hindi ko namamalayan?” biglang hagulgol na ani Ezra. Naalarma naman si Daryll, kaya agad niyang itong nilapitan para aluin.

“Hey, wala naman akong sinabing ganun ah, overthinker ka lang.”

Agad namang natingala si Ezra, upang tingnan kung totoo nga ang sinabi ng lalaki. “You mean, walang nangyari sa atin.”

“Wala nga, ayaw pa maniwala.”

Sumilay naman ang ngiti sa kaniyang labi at sa wakas ay buo at hindi pa nasira ang pinakaiingat-ingatan n’yang puri. “Pe-pero bakit iba na yata itong suot ko, ikaw ba ang nagpalit sa akin?”

Nagpakawala naman ng malalim na buntonghininga si Daryll, saka ngumisi. “Of course not!”

“I'm not interested, sa katawan mo kaya ‘wag kang ano d'yan,” dagdag pang sabi ni Daryll.

“Edi wow!” bulalas niya ngunit pinilit na lang manahimik.

“So, sino nagpalit sa akin?” naitanong niya sa huli.

Hindi pa man nakasagot si Daryll, ay lumabas mula sa banyo ang isang matandang babae na sa tantya nasa singkwenta anyos. “Sir, tapos ko na pong linisin ang banyo.”

“Sige, Manang. Dalhin niyo na lang itong mga marurumi kong damit at ang beddings ng kama na sinukahan ng babaeng ‘to kagabi,” tugon at utos pa ni Daryll sa matanda.

“Sige po, Sir.”

“Siya ba ang nagpalita sa akin?” wika pa ni Ezra, sabay turo sa matanda nang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

“Ah, yes Ma'am. Tinawagan po ako ni Sir, kagabi kaya dali-dali na lang akong nagtungo rito total ngayon naman ang araw na pupunta ako rito para maglaba at maglinis,” tugon ng matanda, saka ngumiti.

Hindi naman makaimik si Ezra, bagay na nakpagpalitan na lang siya nag tingin Kay Daryll, na ngayon ay nakangiti na nang pilyo. “Sabi sayo, overthinker ka lang.”

Napa-pout naman si Ezra sa sinabi ni Daryll, bagay na inismiran na lamang niya ito. “Tch.”

“Hay, mag-ayos ka na nga lang at kailangan na nating pumunta sa Civil Registrar, para kumuha ng marriage certificate,” dikta ni Daryll saka humakbang palabas ng silid. “Ikaw na munang gumamit ng banyo, labas lang ako. May damit na ring nakahanda diyan sa closet, tingnan mo na lang.”

Tumango naman si Ezra, at pagkalabas ng lalaki ay nagtungo na rin siya sa banyo para makapagayos ng sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 10

    “Aba, nandito pala ang isang fallen heiress at ang kaibigan niyang gold digger,” natatawang saad ng kararating lang na babae, kasama ang tatlo nitong alipores. Si Marga iyon— ang dating kaklase nila noong kolehiyo at isa sa mga taong walang sawang nang-bully kay Angel. Madalas sila nitong kutyain lalo na si Angel dahil sa biglaang pagbagsak noon ng kumpanya. Ngunit kalaunan ay naisalba rin iyon sa tulong ng tiyuhin. Sa pagkakaalam niya, ayaw sanang tanggapin ng ama ni Angel ang tulong mula sa kapatid. Pinili nitong bumangon sa sariling mga paa, nang walang inaasahang impluwensya mula sa pamilya nito. Anak kasi ang ama ni Angel sa labas, kaya hindi ganoon kalapit ang relasyon nila ng kapatid. Ngunit kalaunan'y naging okay rin. “Ano bang pakialam mo, Marga?” matigas na sagot niya. “Sa pagkakaalam ko, hindi mo pagmamay-ari ang mall na 'to. Kaya wala kang karapatang pakialaman kung pupunta kami rito.” Ngumisi si Marga, tila lalo pang naaliw sa naging sagot ni Ezra. Bahagya nitong

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 9.

    AGAD silang sinalubong ng malamig na hangin ng mall pagpasok pa lang nila. Maliwanag ang paligid, maingay ang usapan ng mga tao, at halo-halo ang amoy ng pagkain mula sa iba’t ibang kainan. Kadalasan, si Angel ang unang nae-excite sa ganitong lugar. Palaging siya ang nagyayaya mag-ikot, mag-try ng kung anu-anong pagkain, at mag-picture kung saan-saan.Pero ngayon, tila kabaligtaran. Tahimik lang ito.Halos hindi nga maalis ang tingin sa paligid, parang may hinahanap… o iniiwasan.Napansin iyon ni Ezra habang naglalakad sila papunta sa food court. Ilang beses nang napapalingon si Angel sa likuran nila, at bawat vibrate ng selpon nito ay bahagyang napapapitlag ang balikat sabay patay ng tawag.“Relax lang,” pabirong sabi ni Ezra habang kumukuha ng tray. “Hindi ka naman hinahabol ng pulis.”Hindi sumagot si Angel. Pilit lang itong ngumiti.Mas lalo tuloy siyang napakunot-noo.Umupo sila sa isang bakanteng mesa matapos bumili ng pagkain. Simpleng rice meal at fries lang iyon. Hindi niya g

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 8

    PAGSARA pa lang ng pinto ng condo ay sabay na napabuntong-hininga sina Ezra at Angel. “Grabe…” halos manghina si Angel habang isinasandal ang likod sa pinto. “Akala ko katapusan ko na. Ramdam ko na ‘yong sermon, eh. Ramdam ko na rin ‘yong pagpapalayas sa’kin sa mundo.” Napatawa si Ezra at ibinagsak ang bag sa sofa. “OA mo naman. Buhay pa tayo, ‘di ba?” Hindi pa man siya tuluyang nakaupo ay bigla siyang hinampas ng kaibigan. “Aray!” Napahawak si Ezra sa braso. “Hoy!” “Huwag kang hoy!” singhal ni Angel sabay hampas ulit. “Gusto mo ba talagang mamatay nang maaga? At saka hindi mo ba alam na ako ang mapapahamak sa ginawa mo! Sana pala hindi na lang ikaw ang nireco ko kay tito. Nagkapera nga ako pero sakit ka talaga sa ulo una pa lang.” Kumunot ang noo ngunit kalaunan'y ngumiti lang siya. “Ay wow, so ngayon ako pa sinisi mo. Grabe ka naman sa akin. Parang hindi ka rin sakit sa ulo, ah." sapo ang dibdib na tila nasaktan sa sinabi ngunit agad din ngumiti. “Mas grabe ka!”

  • MY UNEXPECTED LOVE    chapter 7

    MATAPOS ang agahan ay halos sabay na silang tumayo mula sa mesa. Tahimik lamang si Daryll habang inaayos ang manggas ng kaniyang long sleeve, na tila abala sa pag-iisip. Samantalang si Ezra ay mabilis na nagligpit ng kinainan, hindi mapigilang mapangiti sa sariling plano. “Kunin ko lang ang bag ko,” aniya, pilit pinananatiling kaswal ang boses. Hindi sumagot ang lalaki. Tanging tango lamang ang iginawad nito bago tuluyang naglakad palabas ng dining area. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ezra. Mabilis siyang umakyat sa silid upang kunin ang kaniyang bag. Habang inaayos ang laman nito ay agad niyang hinugot ang cellphone at nagtype. Ezra: "Papunta ako sa Condo mo, abangan mo ako sa lobby. Ihahatid ako ng kumag mong tiyuhin." Agad na nag-seen ang kaibigan. Angel: "Huh? Naku wala ako ngayon sa Condo. Lumabas ako." Nanlaki ang mga mata at agad na nag-panic si Ezra. Nagsinungaling lang siya sa lalaki kanina. ang totoo ay wala namang silang usapan ng kaibigan. At hindi movie

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 6

    KINAUMAGAHN nagising si Ezra sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang pisngi mula sa pagitan ng kurtina. Bahagya siyang napaungol habang iniunat ang katawan, ramdam niya ang bahagyang paninigas ng kaniyang mga balikat at likod. Sandali siyang napatitig sa kisame, na tila sinusubukang alalahanin kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng paggising niya. Tahimik ang silid. Masyadong tahimik. Bagay na bigla siyang napabangon at napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya siyang napakunot-noo at mabilis na iginiya ang tingin sa sopa. Wala na roon ang lalaki. Malinis at tila walang bakas na doon ito natulog kagabi. Wala na roon ang unan at kumot na nilatag nito. “Ang aga naman niyang nagising…” bulong niya sa sarili, saka bahagyang napangiwi. “Ah, baka nasa ibaba na,” dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi naman niya alam kung bakit kailangan pa niya iyon gawin. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa banyo. Agad siyang nagbukas ng shower, at sinalubong siya ng mala

  • MY UNEXPECTED LOVE    Chapter 5

    SAMANTALA, habang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ezra ay dahan-dahang idinilat ni Daryll ang mga mata.Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa hindi maipagkakailang malakas na hilik ng babaeng nasa kama. Napalingon siya sa direksyon nito, at hindi niya napigilang mapasinghal ng maikling tawa.“Grabe… kung makahilik parang hindi babae,” bulong niya.Bago pa man niya mailihis ang tingin, bigla itong nasamid sa sariling laway, napaubo nang bahagya, saka muling humilik na parang walang nangyari. Napailing na lang si Daryll, bahagyang iniangat ang katawan mula sa sopa upang masilip ito nang mas maigi.Sa liwanag ng munting night lamp, malinaw niyang nakita ang mukha ni Ezra—relaks, walang bakas ng kaingayan at kapilyuhang kanina lang ay muntik nang magpawala ng kaniyang katinuan. Ang noo nitong bahagyang nakakunot, ang labi’y nakabukas nang kaunti, at ang buhok na magulong nakasabog sa unan.“Hanggang pagtulog talaga ang kulit at ang ingay mo pa rin,” mahina niyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status