Mag-log inMATAPOS makakuha ng marriage certificate, ay agad namang sumakay sina Ezra at Daryll sa sasakyan upang magtungo sa bahay ng magulang upang ipakilala si Ezra sa ina.
“Magandang araw po senyorito,” bati ng mayordumang sumalubong sa kanila. “Nasa terasa na po ang mommy ninyo naghihintay sa pagdating niyo? “Sige po Manay, pupuntahan na lang namin dun si Mommy,” pagkasabi, agad namang hinawakan ni Daryll, ang kamay ni Ezra. At saka hinila ito patungong terasa. “MOM, narito na ang manugang na hinihingi niyo sa akin. Mahal meet my Mom, Amelia. Mom meet Ezra my wife.” “Magandang araw po Tita,”bati ni Ezra, pagkatapos lumabas sa likuran ni Daryll. “Hump, hindi maganda ang araw ko ngayon Dar, ilang araw mo nanag in–indian ang tawag ko sayo–” “Here, siguro naman masaya ka na sa balitang ‘yan,” putol ni Daryll sa sasabihin ng ina sabay abot ng marriage certificate nilang mag-asawa. Ngumiti at agad namang umaliwalas ang mukha ng ina pagkakita sa sertipikong iniabot ni Daryll. “Naku, Iha, pagpasensyahan mo na at akala ko niloloko lang ako nitong pasaway kong anak. Halika ka maupo ka rito sa tabi ko,” alok ng ginang at tumayo pa para alalayan si Ezra na maupo sa tabi nito. “At saka, anong tita? mommy dapat ang itawag mo sa akin. Kasal na kayo ano ka ba.” Napangisi naman si Ezra, na tumingin kay Daryll na naupo na sa kabilang silya. “Naku, Iha. “H’wag mo nang pansinin iyan, dito ka na lang sa tabi ko para naman makapag-usap pa tayo nang masinsinan. Ituring na muna nating hangin iyang asawa mo,” anang biyanan, bagay na hindi na lamang niya pinansin si Daryll. “Manang! Ihain mo na nga rito ang ipinahanda ko sayong meryenda kanina,” tawag ni Amelia sa mayorduma. Maya-maya pa ay dumating na ang mayordumang may dalang pagkain. “Heto na po Madam.” “Salamat. Sige na magpahinga na lang muna kayo at ipapatawag ko na lang kayo pagkatapos,” turan naman ng ginang. At saka muling ibinaling ang atensyon kay Ezra. “Iha, kumain ka nitong inihanda naming eggpie na binake ko kanina, sana magustuhan mo,” alok pa ng masayang beyanan. “Hay, naku mom. Para ka talagang iwan, may pinapaboran,” napaismid na saad ni Daryll sa ina. “Aba, mas gusto kong kausap si Ezra, dahil mabait at masayahing bata. Hindi katulad sayo, iwan ko ba kung saan ka nagmanang bata ka. Pakiramdam ko palagi mong pasan ang mundo. At ang tigas pa ng ulo mo hindi ka nakikinig sa akin. Kung hindi ko pa isinama sa kondisyones ang tungkol rito hindi mo ako pakikinggan,” tugon naman nj Amelia sa pagtatamppong tono. “Hay naku mom. Bahala na nga muna kayo riyan. May kukunin pa ako sa library.” “Oo tama, dapat umalis ka muna at may pag-uusapan pa kami nitong manugang ko,” wika pa ng ina. Hindi naman na muling sumagot si Daryll, bagkus tumayo na ito at saka tumalikod saka humakbang palayo. “Kita muna, wala talagang modo. Hindi na sumagot? Minsan talaga kaya ko naisapang mag-asawa na muna siya para makuha niya ang kaniyang mana para naman kahit isang beses lang susundin niya ang ipinag-uutos ko sa kaniya,” sumbong pa ng biyanan, bagay na ikinatawa na lang ni Ezra. “Jusko, ang bait naman pala ng ina ng lolokong tiyuhin ni Angel, ta’s lolokohin lang namin,” naibulong ni Ezra, habang tinititigan ang natutuwang ginang. “Iha, may iniisip ka ba? Bigla ka yata natahimik riyan?” usisa ng beyanan. Agad namang nabalik ang atensyon ni Ezra, sa marahang paghaplos sa kaniyang kamay ng ginang. “Po? Naku, I'm sorry po, distracted lang po,” sagot ni Ezra, sabay ngiti sa biyenan upang itago ang pag-aalala. Napabuntonghininga naman ang ginang bago nagsalita. “Alam mo, Iha, mula nang mamatay ang asawa ko, hindi ko na naramdaman ang tunay na kasiyahan sa bahay na ito. Palagi siyang tahimik at seryuso. At ang malala minsan na lang siya umuwi rito at hindi s’ya nakikinig sa kahit anong sabihin ko. Kaya nga naisipan ko ang kondisyong alam kong kailan man, hindi niya kayang tanggihan o suwayin. Hindi naman ako mapili, natutuwa rin ako at ikaw ang napili ng anak ko. At least, may kaunting background na ako sayo.” Pilit namang napangisi si Ezra sa sinabi ng beyanan. “Oo nga po, but I'm thankfull, din po sa tulong niyo sa akin. Kung hindi po dahil sa scholarship ninyong mag-asawa hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral.” “Naku, Iha. Walang anuman. Marami naman kayo, hindi lang ikaw. Iyon na rin kasi ang nakagawian ng pamilya, kaya wala kang dapat ipag-alala.” Saglit namang natigilan ang beyanan, bago pa nagpatuloy. “Naku, ‘wag mo nang isipin iyon. Ang mabuti pa samahan mo na lang ako. Halika.” Nagulat at nagtaka naman si Ezra, sa tinutukoy nito. “Ho? Saan po tayo pupunta?” Imbis na sumagot ay inakay lamang siya nito patungo sa isang silid. “Ito ang family heirloom namin,” sabi ng ginang habang inilalabas mula sa kinuhang kahon ang isang antigong kuwintas na may nakakabit na malaking bato sa gitna. “Napakahalaga nito sa pamilya namin. Ibinibigay lamang ito sa espesyal na miyembro ng pamilya—sa babaeng tunay at karapat-dapat.” Dahil sa narinig, ay agad namang umiling si Ezra. “Ti– este Mom, hindi ko po yata matatanggap itong bagay na ‘to,” mariing tanggi ni Ezra. “Huwag kang mag-alala, Iha. Sa iyo talaga ito nararapat. Hindi ko kayang makita itong nakatago lamang habang ikaw, na ang bagong liwanag ng pamilya namin.” “Pero, Mom…” Ngunit at lumapit pa ang ginang nang marahan at isinabit ang kuwintas sa leeg ni Ezra. “Wala nang pero, Iha. Tanggapin mo na. Bagay na bagay sa iyo ang kuwentas na ito.” Labag man sa kaniyang kalooban, wala s’yang magawa kundi tanggapin na ang bagay na inaalok nito. “Ayan bagay-bagay talaga sayo, Iha.” “Wow, ang ganda naman nito sobra.” Hindi maiwasang maisambit ni Ezra sa kaniyang isipan, habang tinitingnan ang sarili sa salaming nasa kanilang harapan. “Oh… ‘di ba, mas bagay pala ito sayo. Nagustuhan mo ba Iha?” usisa ni Amelia kay Ezra. “Opo, ang ganda po,” masayang tugon ni Ezra, sabay haplos ng kuwentas na nakasabit sa leeg niya. “Teka, may isa pa akong gustong ibigay sa iyo,” sabi ng ginang, saka nagtungo ito sa kabinet at kumuha ng pulang sobre at may laso pa. “Heto, buksan mo.” Napakunot naman ng kaniyang noo si Ezra habang tinititigan ang sobreng iniabot nito. “Ano po ito?” “Buksan mo, Iha.” Dahil sa sinabi dahan-dahan namang binuksan ni Ezra ang sobre at tumambad sa kanya ang isang platinum card at ilang dokumento. “Fifty million pesos. Para sa iyo, bilang bahagi ng welcome gift ko sa pagiging bahagi mo ng pamilya namin,” wika ng beyanan habang, binubuklat niya ang regalo nito. “Wow, ang laki naman nito? Nakakalula sa sobrang laki. At saka mayroon pang titulo ng lupa saka may susi pa ng kotse?” wika niya. Ngunit pinili na lang manahimik. “Nagustuhan mo ba, Iha?” nakangiting tanong nito. “M-mom! Napakalaki po nito. Hindi ko po talaga ito matatanggap,” mariing pagtanggi ni Ezra, kunwari itinutulak pabalik ang envelope. “Huwag ka nang tumanggi, Ezra. Alam kong hindi biro ang pumasok sa pamilya namin. Kaya gusto kong kahit paano, maramdaman mo na bahagi ka na nito. Hindi lamang asawa ng anak ko, kundi anak ko na rin.” “Pero po…” “Iha, ang pagtanggi ay parang pagsasabi na hindi mo kami tanggap. Kaya tanggapin mo na, alang-alang na rin sa kapakanan ni Daryll. Ayoko nang maramdaman niya na may kulang pa sa buhay niya,” mariing sabi ng ginang. Hindi naman nakapagsalita si Ezra, bagay na tinanggap na lamang niya ito. “Sige po, Mom. Maraming salamat po dito.” Napangisi naman ang ginang sa sagot. “Walang anuman, alam mo matagal ko nang inihanda iyan. Sa titulo ng lupa, bali ipapaayos na lang natin iyan sa attorney par malipat na sayo ang pangalan. Basta ba’t balitaan mo rin ako tungkol sa mga plano ninyong mag-asawa.” “O-okay po,” tugon niya, tila naabot ang ibig sabihin ng beyanan. “Ayan, iyan ang gusto ko masunurin,” tugon nito. “Ano na naman iyan Mom?” sabay-sabay naman silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. “Hay naku, Dar, tumigil ka nga. May usapan kami ni Ezra, kaya huwag kang makialam. Bakit, nagseselos ka ba?” nakangising tanong ng ginang sa anak na nakatayo sa pintuan. “Hindi naman, dahil alam ko naman ang mga paborito mong drama,” sagot ni Daryll habang naglalakad papunta sa tabi ni Ezra. “Hayaan mo na, Mahal. Wala namang masama sa pagiging mabait ni Mommy, di ba?” may diing bulong ni Ezra, habang pilit na nginitian ang ginang. “Oo nga pala Mahal, nakalimutan ko,” madiing sabi naman ni Daryll. “Hay, iwan ko ba sa inyo. So, paano Mom. Pwede na bang kaming umalis? May pupuntahan pa kasi akong meeting kaya kailangan na naming umalis,” wika ni Daryll sa ina. Umismid namn ito at saka nagpakawala nang malalim na hininga. “Iwan ko ba sayong bata ka, kararating niyo lang aalis na kayo agad.” Naramdaman iyon ni Ezra, kaya't tiningnan niya si Daryll gamit ang mapangusap na mga mata. “Pwede ba tayong manatili muna rito? Kakauwi mo lang, tapos aalis ka na? Hindi pa nga nanginginit itong puwetan ko, tapos aalis na tayo agad?” pakiusap ni Ezra, sabay yugyog ng marahan sa braso nito. “Dito na muna tayo, please…” Umiling-iling naman si Daryll, saka labas sa ilong na tumango. “Okay.” Agad namang lumapad ang ngiti ni Amelia. At saka kinuha ang braso ni Ezra na nakapulopot braso ni Daryll. “Naku, Iha. I’m so proud you, akalain mong ikaw lang pala ang bukod tanging makapagdikta sa anak kong ‘to na hindi niya kayang tanggihan?” masayang anang ginang. “Mom–” “Ay naku, basta ako gusto ko na agad si Ezra. Kaya, ayaw kong makarinig na may babaeng aali-aligid pa sayo, Dar.” Paalala pa ng ina, saka bahagyang hinila si Ezra palabas ng silid. “Hay, ang mabuti pa iwanan na natin iyang pasaway kong anak, Iha.” Hindi naman nakapagsalita pa si Ezra, at nagpatianod na lang sa beyanan sa kung saan sila patungo. “Jezz,” naiusal na lamang ni Daryll, habang nakasunod sa dalawa.MATAPOS ang agahan ay halos sabay na silang tumayo mula sa mesa. Tahimik lamang si Daryll habang inaayos ang manggas ng kaniyang long sleeve, na tila abala sa pag-iisip. Samantalang si Ezra ay mabilis na nagligpit ng kinainan, hindi mapigilang mapangiti sa sariling plano. “Kunin ko lang ang bag ko,” aniya, pilit pinananatiling kaswal ang boses. Hindi sumagot ang lalaki. Tanging tango lamang ang iginawad nito bago tuluyang naglakad palabas ng dining area. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ezra. Mabilis siyang umakyat sa silid upang kunin ang kaniyang bag. Habang inaayos ang laman nito ay agad niyang hinugot ang cellphone at nagtype. Ezra: "Papunta ako sa Condo mo, abangan mo ako sa lobby. Ihahatid ako ng kumag mong tiyuhin." Agad na nag-seen ang kaibigan. Angel: "Huh? Naku wala ako ngayon sa Condo. Lumabas ako." Nanlaki ang mga mata at agad na nag-panic si Ezra. Nagsinungaling lang siya sa lalaki kanina. ang totoo ay wala namang silang usapan ng kaibigan. At hindi movie
KINAUMAGAHN nagising si Ezra sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang pisngi mula sa pagitan ng kurtina. Bahagya siyang napaungol habang iniunat ang katawan, ramdam niya ang bahagyang paninigas ng kaniyang mga balikat at likod. Sandali siyang napatitig sa kisame, na tila sinusubukang alalahanin kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng paggising niya. Tahimik ang silid. Masyadong tahimik. Bagay na bigla siyang napabangon at napalingon sa kabilang bahagi ng kama. Bahagya siyang napakunot-noo at mabilis na iginiya ang tingin sa sopa. Wala na roon ang lalaki. Malinis at tila walang bakas na doon ito natulog kagabi. Wala na roon ang unan at kumot na nilatag nito. “Ang aga naman niyang nagising…” bulong niya sa sarili, saka bahagyang napangiwi. “Ah, baka nasa ibaba na,” dagdag pa niya, pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi naman niya alam kung bakit kailangan pa niya iyon gawin. Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa banyo. Agad siyang nagbukas ng shower, at sinalubong siya ng mala
SAMANTALA, habang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Ezra ay dahan-dahang idinilat ni Daryll ang mga mata.Tahimik ang silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa hindi maipagkakailang malakas na hilik ng babaeng nasa kama. Napalingon siya sa direksyon nito, at hindi niya napigilang mapasinghal ng maikling tawa.“Grabe… kung makahilik parang hindi babae,” bulong niya.Bago pa man niya mailihis ang tingin, bigla itong nasamid sa sariling laway, napaubo nang bahagya, saka muling humilik na parang walang nangyari. Napailing na lang si Daryll, bahagyang iniangat ang katawan mula sa sopa upang masilip ito nang mas maigi.Sa liwanag ng munting night lamp, malinaw niyang nakita ang mukha ni Ezra—relaks, walang bakas ng kaingayan at kapilyuhang kanina lang ay muntik nang magpawala ng kaniyang katinuan. Ang noo nitong bahagyang nakakunot, ang labi’y nakabukas nang kaunti, at ang buhok na magulong nakasabog sa unan.“Hanggang pagtulog talaga ang kulit at ang ingay mo pa rin,” mahina niyan
PAGKATAPOS ng buong araw na kwentuhan, agad silang nagpaalam sa magulang na magpapahinga na sa silid na inihanda para sa kanila. Pagkapasok sa silid, agad naman nilang inihanda ang sarili para maagang makakapagpahinga.“Teka, dito ba talaga tayo matutulog? Wala bang secret, passage papunta sa kabilang silid ang kuwartong ito?” tanong ni Ezra.“Wala. Kaya wag kanang maarte riyan,” sagot ni Daryll habang inihuhulog ang necktie sa isang upuan.“And by the way, dito ako sa kama. Ikaw…. Bahala ka na kung saan mo gustong matulog.”Dahil sa sinabi, napanganga na lamang si Ezra, saka napataas ng isang kilay. “Ano!? Ako? Hihiga sa kahit saang parte ng silid na ‘to? Tapos ikaw, sa malapad at malambot na kama matutulog? Aba! Napaka-unfair mo yata.”“Unfair? Walang unfair dun. Hindi kasi ako sanay na may katabi matulog kaya, diyan ka na lang siguro sa sofa, at dito naman ako sa kama.”Agad namang napakunot ng kaniyang noo si Ezra, sa hirit ng asawa. “Kung ikaw kaya, matulog rito sa sofa. Tapos a
MATAPOS makakuha ng marriage certificate, ay agad namang sumakay sina Ezra at Daryll sa sasakyan upang magtungo sa bahay ng magulang upang ipakilala si Ezra sa ina. “Magandang araw po senyorito,” bati ng mayordumang sumalubong sa kanila. “Nasa terasa na po ang mommy ninyo naghihintay sa pagdating niyo? “Sige po Manay, pupuntahan na lang namin dun si Mommy,” pagkasabi, agad namang hinawakan ni Daryll, ang kamay ni Ezra. At saka hinila ito patungong terasa. “MOM, narito na ang manugang na hinihingi niyo sa akin. Mahal meet my Mom, Amelia. Mom meet Ezra my wife.” “Magandang araw po Tita,”bati ni Ezra, pagkatapos lumabas sa likuran ni Daryll. “Hump, hindi maganda ang araw ko ngayon Dar, ilang araw mo nanag in–indian ang tawag ko sayo–” “Here, siguro naman masaya ka na sa balitang ‘yan,” putol ni Daryll sa sasabihin ng ina sabay abot ng marriage certificate nilang mag-asawa. Ngumiti at agad namang umaliwalas ang mukha ng ina pagkakita sa sertipikong iniabot ni Daryll. “Naku, Iha,
HABANG nakikipag-usap si Daryll sa kliyente, panay ang unog ng kaniyang cellphone sa kaniya bulsa, bagay na pasimple niya itong tiningnan. “Anak ng tokwa!” bulalas niya, bagay na mabigla rin ang kaharap. “May problima po ba, Mr. Monteverde?” Tanong ng kausap. Agad namang napatingin si Daryll sa kausap at pilit iyong nginitian. “No, Mr. Chui. May nakita lang akong hindi kaaya-aya. Sige po, ituloy niyo lang po ang sinasabi niyo.” “Ah, sige.” Ipinagpatuloy nga ng kausap ang diskusyon, at muling itinuon roon ni Daryll, ang atensyon at hinayaan na muna ang pagtunog ng kaniyang cellphone. “Paano, Mr. Monteverde, mauna na kami.” “Sige po mr Chui, ingat.” Tugon naman ni Daryll, matapos magpaalam ng kausap. Nang makaalis siI mr. Chui, dali-dali namang binuksan ni Daryll ang kaniyang cellphone. At laking gulat niya nang bumungad ang bumabang notification mula sa bangko. “Pambihira, El. Kontakin mo nga yung ang manager ng Bar,” utos niya sa kanang kamay na agad naman nitong sinunod.







