Sa unang pagkakataon, nakita ni Zedhryx na kusang lumapit si Alice sa kanya, nakataas ang mga braso, walang pag-aalinlangan. Sa malamig at kontroladong mga mata niya, bahagyang gumalaw ang isang emosyon na matagal nang nakatago.“AHHH! Palapit na sila! Zedhryx, bilisan mo!” sigaw ni Alice, at sa gulat at pagmamadali, halos tumalon na siya papunta sa kanya.Hindi na nag-atubili si Zedhryx. Agad niya itong sinalo, pinulupot ang isang kamay sa baywang nito, saka marahang binuhat. At gaya ng inaasahan, nang dumikit si Alice sa kanya, biglang huminto ang mga robot, tila may invisible barrier na pumipigil sa kanila na lapitan ito.Napakurap si Alice, hindi makapaniwala. “Ang… amazing naman nito…”Ngunit para kay Zedhryx, hindi iyon ang mahalaga. Sa sandaling iyon, ang tanging ramdam niya ay ang init ng katawan ni Alice na nakadikit sa kanya, malambot, mabango, at napakalapit. Saglit siyang nawalan ng focus bago niya pinilit ibalik ang sarili sa kasalukuyan.Dahan-dahan siyang naglakad paaky
最終更新日 : 2026-03-27 続きを読む