"Dad, pwede ko ba munang makita si Ellaine bago ako umuwi?" tanong ni Lori.May oras pa naman sa lunchtime. Miss na miss na niya ang best friend niya, lalo na’t huling pagkikita pa nila ay noong dinalaw siya nito sa ospital."Oo naman. Pero sasabay na ako sa’yong umuwi, okay. I want you to work with me today. . Kung mapagod ka, pwede ka namang magpahinga sa private room ko," ani Weston."Sige po. Pero paki-sabi naman kay Javier na sasabay ako sa’yo para hindi na siya maghintay nang matagal.""Sige, love."Kinuha ni Lori ang phone niya at tinawagan ang kaibigan."Hello, El," bungad niya pagkasagot na pagkasagot ng tawag."Hello, Mrs. Revamonte," sagot ni Ellaine sa kabilang linya, kaya namula ang mga pisngi ni Lori."Nasaan ka?" tanong ni Lori."Nasa office, malamang. Oras kaya ng trabaho, inday. Bakit, anong meron?""Alam kong working hours pa, pero nasaan ka nga mismo? Sa cafeteria? Nandito kasi ako sa office ngayon. Hinatiran ko lang si Dad ng lunch. At dahil nandito na rin naman ako
اقرأ المزيد