LENA's POV Hindi pa rin natatapos ang pagbati ng mga bisita. Magkahawak kamay kami ni Cullen habang dahan-dahang naglalakad sa gitna ng bulwagan. Isa-isa silang lumalapit, may mga nakangiti, may mga pumupuri, may mga matang sinusuri ang bawat galaw namin. “Congratulations.” “You look stunning tonight, Miss Lena.” “Perfect match kayo.” Paulit-ulit akong ngumiti. Paulit-ulit akong nagpasalamat. Para bang isang de susing manika, na walang sariling buhay. Ngunit sa bawat paghakbang ko, pakiramdam ko ay palapit ako nang palapit sa isang bagay na ayokong harapin. Paano, napansin ko kung saan kami patungo, nagsimulang manlamig ang mga kamay ko. Nasa harapan namin sila. Si Caelus at ang mga kaibigan niya. Pakiramdam ko biglang bumigat ang hangin. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Cullen. 'Huwag kang tumingin, Lena.' sabi ko sa isip. Pinilit kong ituon ang tingin ko sa harapan, sa mga taong naglalakad, sa sahig o kahit saan, basta hindi sa kanya, hindi ko kay
Read more