“Time's up!” sabi ng host. Tumigil ang lahat. Dahan-dahan kaming umatras ni Chef Dorian, kapwa nakatingin sa dish namin—malinis, balanse, at may direksyon. “Judges, your thoughts?” tanong ng host. Lumapit ang mga hurado. Sinuri ang bawat dish bago tinikman. Tahimik ang lahat habang pinapanood ang mga judges. Tumapat ang mga ito sa amin ni Chef Dorian. “Balanced,” komento ng isa. “Ambitious,” dagdag ng isa pa bago tumingin kay Chef Dorian. “Your concept?” Tumahimik ang lahat ng naroon, ang atensyon ay nasa amin ni Chef Dorian, nagsimulang magsalita ang binata. He is calm, but confident. “This dish,” marahan niyang simula, “is about survival… and restraint.” Napatingin ang mga hurado, pati na rin ako. “We wanted to present a classic foundation,” patuloy niya, “but strip it down to its essentials—no excess, no noise. Just balance.” Tinuro niya ang plato. “The protein is seared hard—controlled aggression. The sauce… delicate, almost at risk of breaking. Because th
Read more