LENA's POV Nang araw din na iyon, habang abala ang buong expo sa dami ng negosyante, investors, at patuloy na agos ng oportunidad, isang email ang dumating na tila magpapabago ng takbo ng lahat. Isang investor ang nagpadala ng kahilingan para sa agarang meeting. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, kaagad akong pumayag lalo pa’t nasa loob lamang din ng gusali ang itinalagang lugar ng aming pag-uusap. Sandali akong lumapit kay Steven upang magpaalam, muli. “Steven, may kakausapin lang ako,” mahinang sabi ko, pilit pinanatiling normal ang boses ko. Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Inalis ko ang apron na suot ko at dahil nakasuot naman ako ng pormal na bestida ay inayos ko na lang ang buhok kong nakatali kanina, inalis ko ang pagkakapusod at hinayaan kong nakalugay lang. Lumabas ako ng stall at naglakad na, hindi ko alam kung bakit may kakaibang kaba akong nararamdaman, basta hindi ko maipaliwanag. Muli akong nag buntong hininga, kinalma ko ang aking sarili. Haban
Read more