LENA’s POV Nagpaalam ako kay Cullen na lalabas lang sandali upang sagutin ang tawag ng kapatid ko. Bahagya pa siyang tumango, abala sa kausap niyang mga tao, kaya tahimik akong umalis sa gitna ng ingay ng banquet hall. Paglabas ko sa hallway, agad akong sinalubong ng mas tahimik na paligid, malamlam ang ilaw, at ang ingay mula sa loob ay tila naging malayong ugong na lamang. Ngunit kasabay ng bawat hakbang ko, may kakaibang pakiramdam na gumapang sa katawan ko. Init, unti-unti, mula sa dibdib pababa. Napahinto ako sandali, napahawak sa pader. Bakit ganito…? Saglit akong tumigil at pinakiramdaman pa ang sarili, bumibigat ang mga paghinga ko. Pinasya kong dumiretso sa hotel room na inokupa ko kanina. Doon ako naghintay kay Cullen habang may meeting siya kanina, halos dalawang oras din akong nanatili roon, kaya pamilyar na sa akin ang lugar. Pagpasok ko, agad kong isinara ang pinto at saka sinagot ang tawag. Habang kausap ko ang kapatid ko, hinubad ko ang mataas kong he
Read more