LENA's POV Mondragon Grand Estate felt different at night. Mas tahimik, mas malamig, at may tila kakaibang bigat ngayon. Pagdating namin ni Cullen, agad kaming sinalubong ng mayordomong si Thomas at inihatid papunta sa dining hall. Hindi na kami nagtagal sa ibang parte ng mansyon, diretso kami kaagad sa kung saan naghihintay ang lahat. Ang family dinner. Pagpasok pa lang namin sa loob, naroon na sila. Nakaupo na sa mahabang mesa sina Don Gerbacio at Donya Emie Mondragon. Eleganteng nakaayos ang hapag, ang mga crystal glasses, gold cutlery, at mga pagkaing halatang pinaghandaan. Lahat perpekto. Lahat ay planado. “Good evening,” Cullen greeted calmly. “Good evening, son,” sagot ni Donya Emie, may banayad na ngiti sa labi. Si Don Gerbacio naman ay tumango lamang, maikli, pero sapat na para kilalanin ang presensya namin. “Lena,” Donya Emie turned to me, her expression warm. “How are you?” “I'm fine, madam,” sagot ko, bahagyang yumuko bilang paggalang. Narinig ko ang bahagy
Read more