CULLEN’s POV Sa ika-anim na araw, walang palya ang pag attend ko sa blind date na sinet-up ng aking ama. The blind date took place at an exclusive hotel restaurant, a place where only wealthy people could enter. Dumating ako sa lugar sa tamang oras, suot ang isang mamahaling tailored suit, habang naglalakad ay kaagad kong napagmasdan ang mg tao sa paligid, lahat ay tila ba de susing laruan, lahat ay kalkulado, napabuntong hininga ako sa nakikitang tensyon sa paligid, mga nakangiti sa isa’t isa subalit nakikita ko sa mga mata nila ang tunay na kulay, ang totoong pakay ng pagkikita ng bawat isa, isang pagkukunwari upang makuha ang hinahangad. I stopped in the middle where my date was, I sat down and saw across from me a wealthy heiress with a smile as calculated as a quarterly report. “Mr. Mondragon, you finally came,” nakangiting sabi niya. Tumango ako. “My name is Crissa Enriquez.” Pagpapakilala niya sa sarili, hindi nawawala ang mga ngiti, at alam kong peke ang mga iyon.
Read more