Mondragon Grand Estate, Don Gerbacio's Study Room. "Pasok ka na, Miss Lena," sabi ni Henry, ang kanang kamay ni Don Gerbacio. Tumango ako at naglakad papasok sa study room ng Don, ang mga mata ko ay nakatuon sa matandang lalaki sa kanyang desk. Nakita ko kaagad siya, at sa tapat niya ay may nakaupong dalawang tao – isang babae at isang lalaki, sa tantiya ko ay hindi nalalayo ang edad nila sa Don. Tumingin sila sa akin habang naglalakad ako, at napansin ko ang mga ngiti nila sa labi, hindi ko alam pero parang magaan ang mga awra nila. "Ah, Lena," sabi ng Don. "Come here," mahinahon na sabi pa niya. Lumapit ako sa kanila, tumayo ang ginang, at kinuha ang mga kamay ko. "Ah, is this our adopted daughter?" the woman asked, her voice tinged with excitement. Bahagya akong natigilan, ang mga mata ko ay nakatuon sa mag-asawa. Kung gayon, sila ang kanyang adopted parents? Ang mga taong tutulong sa akin para maging karapat-dapat para kay Cullen. I felt a mix of emotions, unsure what
Read more