“Explain mo ‘yan, gaga! Kayo na ba?”Anong explain ang gagawin ni Mae kung alam niya sa sarili niyang wala naman siyang dapat i-explain kasi wala naman talaga. Ang hindi niya lang ma-gets kung paano naka-come up ng gano’ng idea ang nag-post. Saan nito nakuha ang idea na “Official couple of the year”.What the heck! Kahit pa siguro mamatay ako na walang boyfriend ay okay lang sa’kin basta ‘wag lang maging boyfriend ang lalaking ‘yon!“Ano na! Explain mo! I deserve an acceptable explanation.” Nanggigil na sigaw ng pinsan niya na para bang pinagkaitan talaga ng information. Kitang-kita pa niya sa mukha nito na gigil na gigil itong malaman ang katotohanan. “Ano ‘to? May balak ka pang itago sa’kin ‘to? Galing mo rin, ah! ‘Yong love story ko, alam mo lahat. Tapos ikaw na first boyfriend mo pa ay kung hindi ko makikita sa social media, hindi ko pa malalaman?”Bigla siyang natawa nang diniinan pa nito ang salitang first boyfriend. Kung totoo man ang balitang ‘yan, first boyfriend niya talaga.
Read more