Ilang minuto nang tinitingnan ni Mae ang baso ng kape na nasa harapan niya kinaumagahan. Wala na ang hilo, ang sakit ng ulo, at ang mas malala pa, wala na rin ang kalasingan na nararamdaman niya kagabi.At ang pinakamatindi, wala na rin ang pinakaiingatan niyang virginity.Tangina!Bigla tuloy sumakit ang ulo niya nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi siya makapaniwala na tandang-tanda niya ang nangyari. Fake news naman pala ‘yong nabasa niya sa isang novel na makakalimutan ang mga nangyari kagabi. Tangina ang sakit ng ulo ko at masakit pa ang kepay ko. Tangina talaga!Uminom na lang siya ng kape para kahit papa’no ay gumaan ang pakiramdam niya. Pumasok na rin sa kusina si Manang Fe at nagulat ito nang makita siya.“Ang aga mo, ah.” Tumingin pa ito sa calendar ng cellphone nito. “Linggo ngayon, wala ka namang pasok. Ang aga yata ng gising mo.”Sa sobrang aga, Manang. Halos wala akong tulog.Muli na namang pumasok sa utak niya ang nangyari kagabi. Ang dahilan kung bakit wala siyang t
최신 업데이트 : 2026-02-14 더 보기