…at mas mahirap nang balikan.Napakagat-labi si Mae.Hindi niya namalayang mas lalo na pala siyang napalapit sa screen, halos punuin na ng mukha niya ang frame. Ramdam niya ang sarili niyang paghinga, mabagal pero mabigat, tila bawat paglanghap ay mas lalo lamang nagpaparamdam ng init na kumakalat sa kanya.Sa kabilang linya, hindi pa rin inaalis ni Kent ang tingin. Hindi ito nagsasalita. Pero sapat na ang paraan ng pagtitig nito upang lalo siyang kabahan.“Mae…” muli nitong tawag, mas mahina ngayon, halos paos.Parang masyadong malapit. Parang kung hindi lang sila pinaghiwalay ng screen ay ramdam na niya ang hininga nito.“Ano?” sagot niya, bahagyang pumipiyok ang boses.Saglit na natahimik si Kent, tila pinipigilan ang sarili. Pagkatapos ay dahan-dahan itong huminga.“Lumapit ka pa.” Hindi iyon utos. Hindi rin pakiusap. Pero sa paraan ng pagkakasabi nito ay parang may kung anong humihila sa kaniya para sumunod. At hindi niya alam kung bakit pero ginawa niya.Unti-unti siyang yumuko,
Read more