“Good evening, Mom,” tawag-pansin ni Mae sa kaniyang Mommy na nasa laptop nakatuon ang paningin. Pero kahit ilang beses na siyang sumubok na kunin ang atensiyon nito, bigo pa rin siya. Ganito palagi ang eksena kapag nandito siya sa bahay. Wala siyang makausap.Hindi niya rin alam bakit hindi pa siya nasanay. Mula yata no’ng grade school pa siya ay ganito na palagi ang setup nila. Okay na sa pamilya niya na may pagkain siya sa mesa at bahala na siya. Aalis siya ng bahay na hindi man lang nakakausap ang pamilya niya at uuwi siyang gano’n pa rin.Napagpasyahan niya na lang na umakyat na ng kwarto. Dapat talaga sanay na siya eh. Wala namang bago. Sa loob ng dalawampu’t isang taon niya sa mundo, kailanman ay pahirapan talaga siyang kunin ang atensiyon ng Mommy niya. Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasanay?“Where are you going, Mae?”Nahinto siya sa paghakbang. Sa tuno pa lang ng pananalita ng Mommy niya ay may bahid ng trahedya. Nagawa niya pa rin ang paglingon kahit nai
Última actualización : 2026-02-01 Leer más