JenelynMabilis kong inayos ang mga gamit ko, kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko mula sa training na halos dumurog sa lahat ng energy ko. Isa-isa kong hinawakan ang mga damit, pinaghiwalay ang marurumi sa malilinis, at saka ko maingat na sinalansan ang mga iyon sa loob ng cabinet.Hindi na pwedeng bara-bara ngayon—hindi dito, hindi sa condo ni Bradley. Kahit ayoko aminin, alam kong kaya niyang mapansin kahit ang pinakamaliit na kalat. At sa ugali niyang ‘yon, siguradong hindi lang simpleng puna ang maririnig ko kapag nagkataon.“Hindi na ako papayag na mapagalitan ulit,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang huling tupi ng damit. May bahagyang determinasyon sa galaw ko, kahit may kasamang pagod ang bawat kilos.Nang matapos ako, napaatras ako ng kaunti at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto ko. Maayos na ulit, malinis, at kahit papaano ay presentable. Hindi na siya mukhang dinaanan ng bagyo kagaya kanina. Napabuntong-hininga ako, saka marahang tumango sa sarili ko, tila n
閱讀更多