Jenelyn“Bakit kayo nagkukulumpulan diyan?”Napalingon kaming lahat sa matigas na boses ni Coach Gil, at sa isang iglap ay parang may pumutok na bula sa gitna ng grupo. Ang kaninang dikit-dikit na mga tao ay agad nagkanya-kanyang galaw, naghiwa-hiwalay na parang walang nangyaring tensyon ilang sandali lang ang nakalipas. May ilan pang nagkunwaring abala, habang ang iba naman ay pilit inaayos ang sarili para magmukhang inosente.May teacher na tumawag sa kanya kanina at hiniling na makausap ito ng mag-isa kaya umalis siya at ngayon nga ay kababalik lang.“Cheering Squad, bakit ang aga n’yo?” dagdag pa niya, bahagyang nakakunot ang noo habang sinusuri ang presensya ng grupo sa loob ng gym.“Napaaga lang po talaga, Coach. Continue lang po kayo, magmi-meeting pa naman kami.”Isang babae ang sumagot—maganda, maayos ang tindig, at halatang sanay sa ganitong klaseng sitwasyon. Ang boses niya ay kalmado, kontrolado, na para bang wala talagang nangyaring komosyon kanina. Ngunit hindi ko pinalam
閱讀更多