JenelynNang tuluyan akong makalapit sa mesa nila, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Diretso akong tumayo sa tabi ni Bradley, hawak pa rin ang plato ko habang sabay-sabay na napatingala sa akin ang limang lalaki.For a moment, walang nagsalita.At dahil doon, kusang kumurba ang labi ko sa isang pilyang ngiti.“Sa pagkakatingala n’yo sa akin, pakiramdam ko bigla akong naging six-footer,” biro ko, sabay mahinang tawa bago ko ibinaba ang tingin kay Bradley. Hindi ko pinalampas ang sandaling ‘yon. “Future husband, tabi tayo.”Halos kasabay ng mga salitang lumabas sa bibig ko ang paggalaw ng isa sa mga kaibigan niya. Agad itong tumayo mula sa kinauupuan niya at walang pag-aalinlangan na in-offer sa akin ang upuan niya, na para bang matagal na niyang hinihintay ang eksenang ‘to.Sa paraan pa lang ng pagkakangisi niya, alam ko na agad.Kung may pinakamaloko sa grupo, malamang, siya na ‘yon.“I’m Oxford, Ox for short. At your service,” pakilala niya, may halong arte sa tono na parang sinasadya
اقرأ المزيد