BradleyIlang araw na akong hindi umuuwi ng bahay at pinili ko na lang manatili sa condo na malapit sa opisina. Mas tahimik dito, mas kontrolado ang paligid, at higit sa lahat, walang istorbo.Sa tuwing kailangan kong mag-isip nang maayos, ito ang lugar na tinatakbuhan ko. Walang tanong, walang pangungulit, at walang matang nagmamasid sa bawat kilos ko.Sa bahay kasi, nandoon si Lolo. At sa tuwing nagkikita kami, parang wala siyang ibang gustong pag-usapan kundi ako at si Jenelyn. Paulit-ulit, parang sirang plaka, hanggang sa minsan ay napapaisip na lang ako kung iyon na lang ba talaga ang nakikita niyang mahalagang bagay sa buhay ko ngayon.Napabuntong-hininga ako habang nakasandal sa sofa, saka bahagyang ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kusa na namang bumalik sa isip ko ang huling pag-uusap namin ni Jenelyn. Ang ekspresyon ng mukha niya, ang kumpiyansa sa bawat salitang binibitawan niya—lahat malinaw na malinaw pa rin sa alaala ko.Pumayag ako sa gusto niya. I
더 보기