Parang gusto niyang malaman kung may kapalit ba ang lahat ng pagbibigay nito sa kanya, kahit na alam niyang wala naman at talagang ganito lang ang asawa niya pagdating sa kanya.Natawa lang si Emilio ng mahina nang marinig niya ang sinabi ni Natalia at pagsusungit nito.Yung tipong tawang hindi pilit...yung natural, malalim, at parang may halong aliw.Parang gustong-gusto niya ang ganitong side ni Natalia, ang pagsusungit nito.Binasa pa nito ang labi niya gamit ang dila bago bahagyang napailing, tila natutuwa sa iniisip ng asawa.Bahagya pa itong napayuko, parang pinipigilan ang sarili na mas mapangiti.“Ganun ba yun, huh, Emilio?” pabirong tanong pa ni Natalia, bahagyang nakangisi, halatang inaasar na ito.Hindi niya rin maiwasang mapangiti...parang nasanay na siya sa ganitong usapan nila."Oh... Come on, baby," he just whispered while still laughing sexily at hindi na alam ni Natalia kung bakit pakiramdam niya ay inaakit siya ng asawa sa simpleng pagtawa pa lang nito.Parang kahit w
続きを読む