“May kukuha ba nito o ipapadeliver?” Tanong niya muli, ang boses ay nangangatog na sa halong takot at inis, habang pilit pa ring hindi tumitingin sa dalawa. Natigilan naman si Fiona, ang kanyang kasamahan sa pwesto, nang mapansin ang kakaibang tono ng boses ni Natalia. Agad itong lumapit para tignan kung anong nangyayari. “Hoi! Bakit ka ganyan makipag-usap sa customer?” Kinurot pa siya ni Fiona sa tagiliran, isang paalala na kailangang maging magalang sa mga "bigtime" na mamimili. Pero hindi man lang nag-react si Natalia sa kurot. Ang buong sistema niya ay nakatutok lang sa presensya ni Emilio na tila isang malaking anino sa harap niya. “Oh. Ikaw pala, Ma'am Sandy? At may kasama kayo? Hello po!” Bati ni Fiona. “Hello, kamusta na kayo?” Mahinahon namang tanong ni Sandy. “Heto po, ayos lang. Salamat at dito kayo ulit bumili ah,” nakangiting sambit naman ni Fiona. Habang si Natalia naman ay huminga na ng malalim at wala ng planong magtagal doon, lalo na at nasa harap niya ang
続きを読む