CHAPTER 5 Ysella Mireya POV Kinabukasan, nagising ako sa bahagyang liwanag na pumapasok sa kwarto ko. Ang katawan ko ay nanginginig pa rin. Ang lagnat ay hindi pa rin lubos na humuhupa. Ngunit sa tabi ko, nakatayo si Professor Ildren. Nakatingin sa akin. Mata niya mahigpit ngunit may halo ng… pag-aalala. Hindi ko alam kung paano ko i-interpret iyon. Ang galit niya kahapon ay napalitan ng tahimik na presensya, parang nakabantay sa akin. “Kamusta ka na?” tanong niya, mahina ngunit seryoso. “Medyo,” sagot ko, nanginginig pa rin. “Sakit pa po.” Tumango siya. Hindi siya nagsalita agad. Kumilos siya ng maayos, parang may planong ginawa para sa akin. Binuksan niya ang bintana ng konti para makapasok ang sariwang hangin. Nilinis niya ang mesa, naglagay ng malinis na baso ng tubig, at humanda ng cup noodles. “Humiga ka lang,” sabi niya. “Ako ang bahala sa lahat ngayon.” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o matakot. Ngunit kahit
Última actualización : 2026-02-04 Leer más