Compartir

Chaoter 2

Autor: PRIN_LYN
last update Última actualización: 2026-02-04 06:53:26

CHAPTER 2

Ysella Mireya POV

Lunch Break

Hindi ko inaasahan ang imbitasyon niya.

“Lunch?” tanong ni Rafe, hawak ang notebook niya, parang gusto pang bawiin ang salita niya. “I mean kung free ka lang. Okay lang kung hindi.”

Napangiti ako kahit pagod ang utak ko. “Okay lang,” sagot ko. “Libre ka?”

Tumango siya agad. Parang may relief sa mukha niya.

Hindi ko alam kung bakit pumayag ako. Siguro kasi gusto ko ng normal. Yung walang sikreto. Walang takot. Walang taong may hawak sa leeg ko kahit hindi niya ako hinahawakan.

Naglakad kami papuntang cafeteria. Tanghali. Maingay. Amoy ulam. Tawa ng mga estudyante. Parang ibang mundo. Mundo na gusto kong balikan.

Umupo kami sa sulok. Simple lang ang pagkain. Rice, ulam, tubig. Walang arte.

“So,” sabi ni Rafe, mahina pa rin. “Kamusta ka lately?”

Nagkibit balikat ako. “Okay lang.”

Hindi niya ako pinilit. Hindi siya yung tipo na maghuhukay ng sagot. At iyon ang gusto ko sa kanya.

Tahimik siya. Gentle. Yung tipong hindi ka sisigawan ng atensyon. Hindi ka tatargetin. Hindi ka kokontrolin.

Nag kwento siya tungkol sa part time work niya. Sa kapatid niya. Sa hirap ng commute sa Manila. Napangiti ako. Totoo. Walang agenda.

“Ang bait mo magsalita,” sabi ko bigla.

Namula siya. “Ha? Hindi ah.”

“Hindi ka maingay,” sabi ko. “Hindi ka rin judgmental.”

Tumango siya, parang hindi sanay sa papuri.

Natatawa kami. Light lang. Parang matagal ko nang hindi naramdaman.

At doon ko naramdaman ang biglang lamig.

Hindi ko pa siya nakikita. Pero naramdaman ko.

Parang may mata na nakatutok sa akin.

Tumigil ang tawa ko.

“Okay ka lang?” tanong ni Rafe.

Tumango ako kahit hindi.

Then narinig ko ang boses niya.

“Ms Mireya.”

Tumayo ang balahibo ko.

Hindi ako tumingin agad. Ayokong makita ang mukha niya. Pero kilala ko ang boses na iyon kahit pabulong.

Mababa. Kontrolado. Mapanganib.

Lumunok ako bago ako tumingin.

Nakatayo siya sa hindi kalayuan. Professor Ildren. Hindi galit ang mukha niya. Mas masahol pa.

Kalmado.

Ngumiti siya ng bahagya. Yung ngiting ginagamit niya kapag may alam siyang mas marami kaysa sa iba.

“Enjoying your lunch?” tanong niya.

“O Opo, sir,” sagot ko agad. Masyadong mabilis. Halatang kinakabahan.

Napatingin siya kay Rafe. Isang tingin lang. Pero sapat para mag init ang dibdib ko sa takot.

“And you are?” tanong niya.

“Rafe po,” sagot ni Rafe. “Student din.”

Tumango si Ildren. “I see.”

Tahimik. Walang sigawan. Walang eksena. Pero ramdam ko ang selos niya. Parang usok sa hangin.

“Well,” sabi niya. “Don’t be late for my class later, Ms Mireya.”

“Opo.”

Umalis siya.

Hindi ko na narinig ang ingay ng cafeteria. Parang nag fade lahat. Ang tanging naririnig ko ay ang tibok ng puso ko.

“Professor mo?” tanong ni Rafe.

“Oo,” sagot ko, pilit na ngiti.

Mukha siyang impressed. “Mukhang intimidating siya.”

Hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak.

“Medyo,” sagot ko lang.

Tinuloy namin ang pagkain pero hindi na ako makapag focus. Paulit ulit sa utak ko ang itsura niya. Yung tingin. Yung tono.

Alam kong nakita niya kami.

At alam kong hindi niya magugustuhan iyon.

Pagkatapos ng lunch, tumayo kami.

“Thanks,” sabi ni Rafe. “Masaya.”

“Salamat din,” sagot ko.

Ngumiti siya ulit. That shy smile. Walang malisya. Walang alam.

At doon ako nakonsensya.

Hindi niya alam na may taong pwedeng manakit sa akin dahil lang sa ngiting iyon.

Nag hiwalay kami sa hallway. Pagliko ko pa lang, nag vibrate na ang phone ko.

One message.

Who was he.

Huminto ako sa paglakad.

Second message.

You smiled a lot.

Nanlamig ang mga daliri ko.

Third message.

My office. After class.

Gusto kong tumanggi. Gusto kong sabihin na wala siyang karapatan.

Pero ang isinagot ko ay simple lang.

Okay po.

Pagpasok ko sa classroom niya mamaya, hindi niya ako tinignan. Hindi rin niya ako tinawag. Pero ramdam ko ang presence niya. Parang multo na nakatayo sa likod ko.

Pagkatapos ng class, nauna akong lumabas. Diretso sa office niya. Bawat hakbang, parang may mabigat na bato sa dibdib ko.

Pagpasok ko, sinara niya ang pinto.

Tahimik.

“So,” sabi niya sa wakas. “Lunch date?”

“Hindi po,” sagot ko agad. “Friend lang.”

“Friend,” inulit niya. Parang tinatimbang ang salita.

Lumapit siya. Hindi nagmamadali. Parang alam niyang wala akong takas.

“You smiled,” sabi niya. “You never smile like that with me.”

Hindi ako nakasagot.

“You forget your place, Ysella,” sabi niya, mahina pero matalim.

“Natatakot ako,” bulong ko.

Ngumiti siya. Hindi mabait. “Good.”

At doon ko naintindihan.

Hindi lang siya seloso.

Gusto niyang matakot ako.

At kahit gusto kong tumakbo, alam kong mas lalo niya akong hahabulin.

Nang lumapit siya, wala na akong oras para mag isip.

Parang isang iglap lang, nasa harap ko na siya. Masyadong malapit. Masyadong mabilis. Wala nang tanong. Wala nang babala.

Hinawakan niya ang braso ko at itinulak ako paatras hanggang maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.

“I told you,” sabi niya, mababa ang boses, parang nagpipigil. “You don’t smile like that for anyone else.”

“Sir…” mahina kong sabi.

Hindi niya ako pinatapos.

Bumagsak ang labi niya sa akin.

Hindi ito katulad ng dati. Hindi mabagal. Hindi maingat.

Para siyang gutom.

Parang matagal niya akong pinigilan at ngayon lang niya binitawan ang sarili niya. Mahigpit. Mapusok. Parang gusto niyang burahin ang lahat ng ngiti ko kay Rafe gamit ang halik niya.

Nanlambot ang tuhod ko.

God, bakit ganito ang katawan ko.

Gusto kong itulak siya. Gusto kong sabihin na mali ito. Pero ang lumabas sa akin ay isang mahina, hindi sinasadyang tunog ng gulat at pagkagulat sa sarili kong reaksyon.

At doon siya huminto saglit.

Nararamdaman ko ang hininga niya. Mainit. Mabigat. Parang may tensyon na puputok anumang oras.

“You feel that,” bulong niya. Hindi tanong. Statement. “You react to me.”

Pumikit ako. Nahihiya. Natatakot. Nalilito.

“Huwag,” sabi ko. Pero mahina. Walang lakas.

“Don’t lie to yourself,” sagot niya.

Bumalik ang halik niya, mas mabagal ngayon pero mas kontrolado. Isang kamay niya nasa likod ng ulo ko, hinahawakan ako para hindi makaiwas. Hindi masakit. Pero malinaw ang mensahe.

Ako ang hawak niya.

At ang pinakanakakatakot doon?

May parte sa akin na gusto iyon.

Ayokong aminin. Pero may parte sa akin na kumakapit sa damit niya, parang natatakot na mawala siya. Parang hinahanap ang init na siya lang ang nagbibigay.

Nang kumalas siya, pareho kaming hingal.

Tumingin siya sa akin na parang may nanalo siya.

“Remember this,” sabi niya. “Next time you think of smiling at someone else.”

Tahimik ako. Hindi dahil wala akong sasabihin.

Kundi dahil natatakot ako sa sarili ko.

Binuksan niya ang pinto ng office.

“You can go,” sabi niya ulit. Parang wala lang nangyari.

Lumabas ako na parang may bagyong dumaan sa loob ko. Nanginginig. Namumula. Galit sa kanya.

Mas galit sa sarili ko.

Kasi kahit alam kong mali, kahit alam kong delikado, kahit alam kong ginugulo niya ako…

May parte sa akin na natatakot na tuluyan siyang mawala.

At doon ko naintindihan kung gaano na siya kalalim sa akin.

At kung gaano kahirap ang pagkalas.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Marked by my Professor's Obsession   Chapter 5

    CHAPTER 5 Ysella Mireya POV Kinabukasan, nagising ako sa bahagyang liwanag na pumapasok sa kwarto ko. Ang katawan ko ay nanginginig pa rin. Ang lagnat ay hindi pa rin lubos na humuhupa. Ngunit sa tabi ko, nakatayo si Professor Ildren. Nakatingin sa akin. Mata niya mahigpit ngunit may halo ng… pag-aalala. Hindi ko alam kung paano ko i-interpret iyon. Ang galit niya kahapon ay napalitan ng tahimik na presensya, parang nakabantay sa akin. “Kamusta ka na?” tanong niya, mahina ngunit seryoso. “Medyo,” sagot ko, nanginginig pa rin. “Sakit pa po.” Tumango siya. Hindi siya nagsalita agad. Kumilos siya ng maayos, parang may planong ginawa para sa akin. Binuksan niya ang bintana ng konti para makapasok ang sariwang hangin. Nilinis niya ang mesa, naglagay ng malinis na baso ng tubig, at humanda ng cup noodles. “Humiga ka lang,” sabi niya. “Ako ang bahala sa lahat ngayon.” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o matakot. Ngunit kahit

  • Marked by my Professor's Obsession   Chapter 4

    CHAPTER 4 Ysella Mireya POV Hindi ko na yata alam kung ilang beses akong huminga habang nakahiga sa kama. Ang katawan ko ay parang bato. Ang mga buto ko ay parang pinipiga sa lahat ng direksyon. Pero kahit ganito, kailangan ko pa ring bumangon kahit kaunti lang para kumain. Umalis ako sa school kanina pa. Hindi ko kayang umakyat sa hagdan o bumaba sa gate. Ang bawat hakbang ay napakabigat, parang may sampung tao ang nakasabit sa katawan ko. Pero ang tiyan ko ay kumakalabog sa gutom. Tumayo ako nang paunti-unti, humahawak sa dingding para hindi mahulog. Lumabas ako sa maliit na kusina sa apartment ko. Wala akong malinis na pagkain. Wala akong kahit anong ulam. Ang tanging nakita ko lang ay isang cup noodles sa cupboard. “Haaay,” bulong ko, pinipilit ngumiti kahit ramdam ko ang lamig sa katawan ko. “Cup noodles na naman.” Pinakulo ko ang tubig sa maliit na kettle. Habang hinihintay, namumula na ang pisngi ko sa init ng lagnat. Ang ulo ko ay parang umiikot sa bawat galaw ng k

  • Marked by my Professor's Obsession   Chapter 3

    CHAPTER 3 Ysella Mireya POV Pagkatapos ng klase, ramdam ko na agad ang bigat sa dibdib ko. Parang bawat hakbang papalayo sa classroom ay tumataas ang tensyon sa katawan ko. Si Professor Ildren… hindi ko maiwasang isipin. Yung mga halik niya, yung init ng kamay niya, yung tension na iniwan niya sa office niya kanina… hindi basta-basta nawawala. Naglakad ako palabas ng campus, dala-dala ang backpack ko na parang may kalbaryo sa loob. Tiningnan ko ang paligid at napansin kong umulan na pala. Maliit na patak lang sa umpisa, pero tumindi agad. Wala akong payong. Wala rin akong jacket. At ang katotohanan? Kailangan ko na talagang makalabas ng campus. Lumapit ako sa curb, nagtaas ng kamay para huminto ng tricycle. Ngunit walang masyadong humihinto sa ulan. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil lahat nagmamadali ring makabalik sa bahay. Ang lamig ng hangin na dala ng ulan ay pumapasok sa bawat damit ko, bawat buto ko. Parang yelo sa katawan ko. Tumigil ako sa gilid at nagdesisyon.

  • Marked by my Professor's Obsession   Chaoter 2

    CHAPTER 2 Ysella Mireya POV Lunch Break Hindi ko inaasahan ang imbitasyon niya. “Lunch?” tanong ni Rafe, hawak ang notebook niya, parang gusto pang bawiin ang salita niya. “I mean kung free ka lang. Okay lang kung hindi.” Napangiti ako kahit pagod ang utak ko. “Okay lang,” sagot ko. “Libre ka?” Tumango siya agad. Parang may relief sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako. Siguro kasi gusto ko ng normal. Yung walang sikreto. Walang takot. Walang taong may hawak sa leeg ko kahit hindi niya ako hinahawakan. Naglakad kami papuntang cafeteria. Tanghali. Maingay. Amoy ulam. Tawa ng mga estudyante. Parang ibang mundo. Mundo na gusto kong balikan. Umupo kami sa sulok. Simple lang ang pagkain. Rice, ulam, tubig. Walang arte. “So,” sabi ni Rafe, mahina pa rin. “Kamusta ka lately?” Nagkibit balikat ako. “Okay lang.” Hindi niya ako pinilit. Hindi siya yung tipo na maghuhukay ng sagot. At iyon ang gusto ko sa kanya. Tahimik siya. Gentle. Yung tipong hindi ka si

  • Marked by my Professor's Obsession   Chapter 1

    Chapter 1 Ysella Mireya POV Hindi ko na alam kung paano nagsimula. Ang alam ko lang, naroon na ako. Nasa gitna ng office niya. Sarado ang pinto. Tahimik ang hallway. At ang labi niya ay sobrang lapit na sa akin na parang isang hinga na lang ang pagitan. Professor Ildren Caulix. My professor. “Ysella,” bulong niya. Mababa. Mabagal. Parang sinasabi niya ang pangalan ko na may ari siya. “Look at me.” Ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit. Alam kong mali. Alam kong dapat umatras ako. Pero nanigas ang katawan ko. Parang may humawak sa akin na hindi ko makita. Malapit siya. Sobra. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang bango ng pabango niyang palaging naaamoy ko sa classroom. Yung amoy na dati safe lang. Ngayon, nakakabaliw. “Stop,” mahina kong sabi. Hindi ko alam kung totoo bang gusto kong tumigil siya. He smiled. That calm smile na lagi niyang suot kapag nagtuturo. Pero ngayon, iba. May something sa mata niya. Something dark. Something hungry. “You came here,” sabi niya

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status