Matagal nang naiisip ni Liza na agawin ang asawa ni Riva, pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob dahil sa tulong ni Jazz. Para sa kanya, ito na ang pagkakataon niyang makuha ang mamahaling alahas at yaman na ipinagmamayabang ng kapatid niya. Masyado na itong mataas at feeling reyna, sa pagkakataong ito, panahon na para pababain ito sa trono."Jazz, sigurado ka bang papatulan ako ni Herbert?" Nag aalalang tanong ni Liza. Si Herbert ang asawa ni Riva at tatay ni Damon.Naglabas si Jazz ng maliit na bote ng gamot. "Alam mo naman ang mga pakitang-tao sa trabaho natin, 'di ba? Dadalhin kita sa club na Moonless Club. Iinumin niya ito, at paggising niya na katabi ka, wala na siyang magagawa. Isa pa, hindi naman tapat si Herbert kay Riva; marami siyang ibang babae. Alam mo naman ang nature ng mga lalaki. Kung nagawa niyang lokohin ang una niyang asawa, magagawa niya ring lokohin si Riva."Sa isip ni Liza, kung nagagawa ni Herbert na mangaliwa sa iba, bakit hindi sa kanya? Kinuha niy
Read more