Noong araw na iyon, ipinatawag ng kanyang ina si Jazz para magdinner, at binalak pang ikulong sa isang silid kasama ang tito niyang si Panelo. At sa hindi inaasahan, kahit nasa ikatlong palapag ang silid, nakuhang makatakas ni Jazz sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana.Nang ibigay ng bodyguard ang plate number ng kotse na siyang nagsakay sa babae, nag-alinlangan si Damon. Galit na galit ang tito niya kay Jazz—bakit naman nito ito isasama ang babae paalis? Bakit tutulungan ni Malachi ang babaeng ito, gayong abot langit ang pagkamuhi nito kay Jazz?Pero nitong nakaraang dalawang araw, parang may mali. Very unsual ang nangyayari.. Sumabay pa si Jazz sa elevator ng tito niya. Dahil hindi makaamin si Jazz at hindi naman niya kayang tanungin nang diretso si Malachi, nagpasya si Damon na lapitan si Xavier.Si Xavier ay pinsan ni Norman, at si Norman ay matalik na kaibigan ng kanyang tito. Baka may nasagap itong sikreto.“Xavier,” tanong ni Damon, “may nabanggit ba ang pinsan mo kung may nag
Read more