Pag-alis ni Rio, nagmamadali akong bumalik sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pintuan, agad akong nahiga sa kama ko at saka sinubsob ang ulo ko sa unan. Nag-unahan ang luha ko dahil sa sama ng loob.Yong iniyakan ko kagabi, iniyakan ko ulit. Lalo kong napagtanto na tama ang lahat ng hinala ko. Ginagamit lang niya ako kapag gusto niya. To think that I easily lost my virginity to him made me feel even worse.Yong dapat ay tahimik lang na iyak, kalaunan ay naging hagulgol. Naiisip ko rin na wala na ngang pakialam sa akin si Dad, ibang tao pa kaya ang magpapahalaga sa akin?If my family can’t love me, no one will love me. Nakikita lang ako kapag may pakinabang. Once the problem gets solved, I am just nothing.Come to think of it, palagi lang akong nahahanap ng mga tao sa paligid ko kapag may kailangan sila. Kapag hindi ako kailangan, hindi ako napapansin. Dahil wala naman akong ginagawa, walang naka-distract sa akin sa sama ng loob na nararamdaman ko. Tuloy-tuloy ang iyak ko, hindi ko namalay
Read more