Kita ko ang pagkagulat sa mata niya.“Hindi ko sinabi kasi para dumaan sa proseso. Baka kasi kapag sinabi ko sayo, diretso pasok agad,” I reasoned out kahit pwede naman na sumunod parin sa proseso. “And now they’re asking you to bring important documents to my office to be signed?” kritikal niyang sabi.I tried to smile. “Lahat kasi may ginagawa sa department at ako lang ang wala pang task kaya ako ang nautusan.”Umiling siya. “Kumain ka na. It's already too late for your meal.”“Pero yong papapirmahan—”“Kakain ka, Thalia,” putol niya sa sasabihin ko.Napilitan akong kumain kahit hindi naman ako nagugutom. Nang makita niyang kumain ako, naglakad siya sa table niya at saka nagsimulang magtrabaho. I saw him open a folder, pero hindi iyon ang nilapag ko sa table niya. Inignore niya iyon.“Rio,” tawag ko.“Don't speak while eating,” putol niya ulit sa akin. Sinimangutan ko siya pero hindi naman siya nakatingin sa akin.Pabalik-balik ang tingin ko sa binabasa niya habang kumakain ako. N
Ler mais