Bryden’s POVPagkababa ko ng sasakyan sa tapat ng bahay, saka naman biglang bumuhos ang ulan.Hindi ambon. Hindi pa-cute na patak. Yung ulan na parang may nagbukas ng gripo sa langit at nakalimutang isara.“Perfect,” bulong ko, hawak ang paper bag ng binili kong pagkain.Hindi ko pa man naaabot ang gate, basang-basa na agad ang balikat ko. Isiniksik ko sa ilalim ng long sleeves ang cellphone ko at itinakip ang paper bag sa dibdib, kahit alam kong wala itong laban sa ulan.Nang makarating ako sa gate, akmang kukunin ko na ang susi sa bulsa ko nang bigla itong bumukas mula sa loob.Si Luna.Nakatayo siya roon, hawak ang payong, pero dahil sa lakas ng ulan at hangin, halos wala ring silbi. Naka-pambahay siya, nakatali ang buhok, at may bahid ng pag-aalala sa mukha.“Bakit hindi ka naghintay sa kanto?” bungad niya.“Hindi ko alam na uulan nang ganito.”“Hindi mo nakita yung ulap?”“Kinabahan ako sa interview, hindi sa weather.”Napailing siya, pero may ngiting sumilip sa labi niya. “Pasok
더 보기