Bryden’s POVNakita ko si Luna sa labas ng building, nakatayo sa ilalim ng lilim, hawak ang folder niya sa dibdib na para bang iyon ang huling piraso ng tapang niya.Hindi siya mukhang natalo. Hindi rin siya mukhang panalo. Mas mukha siyang taong galing sa isang labang walang nakakita, pero alam niyang may nagbago sa loob niya kahit hindi pa lumalabas ang resulta.Paglapit ko, ngumiti siya. Maliit lang, pero sapat para makalimutan ko sandali ang sariling interview, ang kaba, ang job offer na hindi pa sigurado, at ang lahat ng perang hindi naman kayang ayusin kung bakit iba ang tama ng ngiting iyon.“Hindi ka mukhang namatay,” sabi niya.“Ikaw rin,” sagot ko. “Very alive. Very employable.”Napailing siya, pero hindi naitago ang ngiti. “Ang corny mo.”“Interview confidence pa ’to. Huwag mong sirain.”Naglakad kami papunta sa isang café sa kabilang kanto, hindi yung pinuntahan namin ni Selena. Hindi ko sinabi iyon, pero alam kong napansin niya. Tahimik siyang sumunod, at sa katahi
Baca selengkapnya