Bryden’s POVMadaling-araw pa lang, gising na ang buong bahay.Hindi dahil maingay kami, kundi dahil may klase ng pag-alis na kahit tahimik, ramdam sa bawat sulok. Nasa sala ang maleta ni Kuya Bryan, maayos ang pagkakasara, may nakapatong pang maliit na bag sa ibabaw. Sa mesa, may kape siyang hindi naubos. Sa hagdan, si Luna ay pababa na, suot ang simpleng cardigan, buhok na nakatali, at mukhang halos hindi natulog.Ako rin naman.Sa buong gabi, ilang beses kong chineck ang CCTV feed. Wala namang kakaiba, puro pusa, ilaw ng motor na dumaan sa kanto, at dahong tinatangay ng hangin. Pero kahit walang lumitaw na lalaki sa screen, hindi pa rin ako nakatulog nang maayos.“Bro,” tawag ni Kuya habang isinusuot ang relo niya, “ikaw na muna bahala rito, ha.”Tumango ako. “Oo, Kuya.”“Hindi biro ’yan.” Lumapit siya at ibinigay sa akin ang spare key ng sasakyan. “Kung may emergency, gamitin mo. Kapag may kailangan si Luna, ikaw na muna mag-asikaso. Alam mo naman ako, mahirap tawagan minsan ka
Baca selengkapnya