Hindi ako bumaba kinabukasan. Makalipas ang dalawang linggo, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Tuwing gigising ako sa umaga, una kong hinahanap ang buhay na dapat ay nasa loob pa ng aking tiyan pero wala na. I feel like I lost the meaning of my life after I lost my baby. Hindi ako lumabas ng kwarto at kahit ang bintana ko ay hindi ko na binuksan pa. At hindi ko hinayaang pumasok ang liwanag.Para bang kung mananatili akong nakapikit sa dilim, may posibilidad na hindi totoo ang lahat. Na kapag hindi ko nakita ang mundo, hindi rin ako makikita ng sakit na nasa puso ko. Ngunit kahit gaano ko piliting tumakas, hindi ako pinapalaya ng alaala.Ang malamig na sahig ng simbahan.Ang amoy ng pulbura.Ang bigat ng dugo sa aking mga kamay.At ang sigaw ko na hanggang ngayon ay parang paulit-ulit na umaalingawngaw sa loob ng aking ulo.Ang anak ko.Unti-unti akong napadilat.Tahimik ang kwarto, ngunit ang dibdib ko ay parang hindi mapakali. May kung anong gumugulo sa akin, isang bigat na
Read more