“Congratulations, Miguel, ang iyung pagtatiyaga ay nagbunga din ng isang malaking gantimpala. Teka lang, gaano mo nga katagal binantayan si Hiraya?” tanong ni Don Lucero sa anak, puno ng kuryusidad at panunukso ang nababasa sa mukha nito.Kilalang disiplinado, walang amor sa mga babae pero nitong mga nakaraang araw, napansin niyang may napupusuan na nga pala itong babae at walang iba kundi si Hiraya. Sa makailang ulit na pakikiusap nito sa kanya na ito na lang ang papalit sa engagement, nagtagumpay din ang nais nito. At ngayun, masaya siya na makitang masaya ang anak niyang si Miguel.“Tama ka, Dad, matagal ko nang gusto si Hiraya at ngayung kasal na kami, hindi na siya makakawala sa akin.” Nakangiting halos pabulong na sagot naman ni Miguel sa ama. Malakas namang tumawa si Don Lucero.“Naku, anak nga kita! Manang mana ka sa akin, Miguel.” Nakangiting sagot naman ni Don Lucero sa anak.Pagkatapos ng hapunan, nagkuwentuhan pa sila sandali bago magpaalam.Inihatid sila ni Don Lucero han
Ler mais