Lalo namang nag-alab ang puso ni Hiraya sa pagkasuklam kay Alfred. Kung noon, kaya niya pang initindihin ang ugali nito, ngayun hindi na. Hindi niya na kayang mabulag-bulagan pa. Enough is enough. Buong araw iginiit ni Alfred na abala ito sa trabaho. Sa loob ng isang taon, wala pa sa limang beses silang nag-date. Kadalasan, hawak-kamay lang o isang mabilis na yakap. Ang makita sina Alfred at Jona na hayagang naghahalikan ay sapat na para masuka siya. Ang batang lalaki na lumaki kasama niya, na nanatili sa kanyang tabi sa mga gabing hindi siya makatulog dahil sa sakit at ipinaglaban siya at ipinagtanggol, ay sa paglipas ng mga taon, ay unti-unting lumayo sa kanya. Totoo ngang nagbabago ang mga tao habang lumalaki. Ang pag-ibig ng kabataan ay maaaring tangayin ng panahon, mabasag at maglaho. Nagsalita si Alfred, ibinaba ang tingin kay Hiraya, ang mukha’y halong pagmamataas at kumpiyansang may kalkulasyon. “Hiraya, kung magpapakabait ka lang nang kaunti, maaari pa ring magpatu
Mehr lesen