LOGIN“Anong mali ang ginawa ni Alfred sa’yo? Hindi naman niya sinabing hindi ka niya pakakasalan, pero ikaw itong kumakapit sa mga lumang bagay na wala namang kwenta?!” Malamig na tumingin si Hiraya. “Marami na akong ibinigay na pagkakataon sa kanya. Siya ang hindi natuto. Akala mo ba napakahalaga ng anak mo? Kahit hindi na ako magpakasal habang buhay, hinding-hindi ko siya papakasalan!” Namutla si Monina. Hindi niya inakalang ganito katalas magsalita si Hiraya. Bago pa siya makasagot, umalingawngaw ang boses ni Don Lucero. “Tama na. Kanselado na ang engagement nina Alfred at Hiraya. Mula ngayon, sina Miguel at Hiraya na ang engaged.” “Lolo!” nanlaki ang mata ni Alfred. Parang gumuho ang mundo niya, napuno siya ng takot at kawalan ng pag-asa. “Final na ’yan. Alfred, mula ngayon, tita mo na si Hiraya,” mariing sabi ni Don Lucero. Lumapit si Alfred kay Hiraya, puno ng pakiusap ang mga mata. “Hiraya, pwede ba tayong mag-usap nang tayo lang?” Sumulyap si Hiraya kay Miguel. Kalma
Maaga pa lang, dumating sina Miguel at Hiraya sa Villamor Mansion, may dala-dalang sandamakmak na regalo para dalawin si Don Lucero Villamor. Masayang tumawa ang matanda nang makita ang bagong kasal, bahagyang kumunot ang kanyang mga mata sa tuwa. “Bumalik na naman kayo, ah?” Binuksan ni Hiraya ang isa sa mga kahon at masiglang ngumiti. “Dad, ito po ’yung antigong vase na nakuha ni Miguel sa auction noong nakaraan.” Maingat na sinuri ni Don Lucero ang napakagandang plorera at tumango. “Naalala mo pa ako. Napaka-maalaga mo naman.” Nang magtatanghali na, lumipat silang tatlo sa dining room. Halos kalahati ng mga putahe sa mesa ay paborito ni Hiraya. “Alam kong darating kayo, kaya pinahanda ko sa chef ang mga paborito ni Hiraya. Tikman mo at sabihin mo kung masarap,” nakangiting wika ni Don Lucero. Napuno ng init ang puso ni Hiraya. “Salamat po, Dad.” Habang sinasalinan niya ng pagkain si Hiraya, pinaalalahanan din ni Don Lucero si Miguel. “Miguel, kumain ka rin.” Nguni
Napabulalas siya sa gulat. “Ito ’yung bracelet na nakita ko sa auction noong nakaraan!” Bahagyang ngumiti si Miguel. “Ipina-adjust ko para magkasya sa’yo. Subukan mo kung komportable.” Hindi na nagdalawang-isip si Hiraya at isinuot ang bracelet sa kaliwang pulso niya. Lalong luminaw ang kulay nito sa kanyang balat, parang ginawa talaga para sa kanya. Iniunat niya ang kanyang braso at masusing tiningnan. “Saktong-sakto.” Ilang sandali niya pa itong hinangaan, ngunit nang mawala ang excitement, sinubukan niya itong tanggalin, at doon siya napakunot-noo. Ayaw na nitong matanggal. Napansin ni Miguel ang kanyang reaksyon. “Anong problema?” Bahagyang nainis si Hiraya. “Masyadong sakto. Hindi ko na matanggal.” “Kung ganoon, isuot mo na lang,” sabi ni Miguel habang hinahawakan ang kamay niya. Napabulong si Hiraya, “Masyadong mahal para isuot sa araw-araw..” Tatlong daang milyong piso ang halaga nito. Kapag nasira, siguradong masasaktan ang kalooban niya. Pero regalo iy
Wala pang dalawang minuto matapos ibaba ang tawag, tumawag agad si Ivy.“Kalokohan ang trending na ’yan! Si Ethan Rivera na naman ba ang walang hiya? Ang gagong iyun, traydor talaga!. Kung may lakas siya ng loob, sa sarili niyang account siya mag-post!”Galit na galit si Ivy, halos hindi na mapigilan sa pagmumura. Hindi niya kayang hayaang bastusin ang kanyang matalik na kaibigan.Nang bahagya siyang tumigil, mabilis na nagsalita si Hiraya. “Tama ka, siya nga ang nasa likod ng iskandalo na ito .”Hindi pa rin humupa ang galit ni Ivy at muling nagsalita.“Nag-imbestiga na ako. Nakatrabaho na ni Ethan si Jona dati. May ugnayan sila. Siguradong may kinalaman si Jona dito.”Napangiti nang malamig si Hiraya. “Kung ganoon, sabay na nating ayusin silang dalawa. Mahilig siyang mang-agaw ng role, ’di ba? Hayaan nating siya mismo ang magpatunay noon.”Matapos ibaba ang tawag, nag-log in si Hiraya sa Twitter account ni Zodiac.Makalipas ang sampung minuto, agad itong nag-trending.Zodiac:[Hul
Kinabukasan, bago magtanghali, nagliyab ang Twitter sa ingay ng usapan.Isang bagong likhang account ang naglabas ng mahabang, kontrobersyal na post.Binatikos nito si Hiraya Natividad, inilalarawan siya bilang isang tusong “third party” na sinadyang makialam sa relasyon ng iba. Ayon sa post, ginamit daw ni Director Andrew Franklin ang kanyang posisyon upang bigyan si Hiraya ng espesyal na access sa set, malaya siyang nakakapasok at nakakalabas kahit kailan. Para maging lehitimo ang presensya niya, gumawa pa raw ito ng posisyong “script consultant” para lamang sa kanya.Hindi rin nakaligtas si Ivy Mortel. Inakusahan siyang tumulong kay Hiraya na agawin ang female lead role mula kay Jona at manipulahin ang mga kuwento online upang palabasing inosente at kawawa si Jona.Bagama’t pinalitan ang mga pangalan, agad pa ring nahulaan ng mga nakasubaybay sa isyu kung anong proyekto ang tinutukoy.Nagsimulang maghukay ang mga netizen. Nakahanap sila ng maraming larawan nina Andrew Franklin at
“Si Alfred Villamor ba iyon?” Alam na ni Lucian ang lahat tungkol kay Hiraya, ang kanyang pamilya at ang engagement niya kay Alfred. Wala namang halaga sa kanya si Alfred. Sa buong Villamor Family, si Miguel Villamor lang ang nagbibigay sa kanya ng kahit kaunting pag-iingat. “Hindi,” agad na tanggi ni Hiraya.. “Kung ganoon, sino?” tanong ni Lucian habang bahagyang pinapaliit ang kanyang berdeng mga mata. “Hindi ba’t engaged ka kay Alfred?” Malamig na ngumisi si Hiraya. “Bakit ko naman sasabihin sa’yo?” Naging mapanganib ang tingin ni Lucian. “Hindi na mahalaga. Kahit na hindi mo sabihin sa akin, malalaman ko din iyan.” Kung sino man iyon… siguradong mapapahamak. “Buksan mo ang pinto!” mariing utos ni Hiraya, ayaw nang magsayang ng salita. Ngumiti si Lucian. “Sige, pakakawalan na kita.” Ginamit niya ang susi para i-unlock ang sasakyan. Hindi na nag-aksaya ng oras si Hiraya at agad hinawakan ang door handle. Pagkababa niya, narinig niya ang malalim at mapang-as
Nanginig si Hiraya sa takot. Para pakalmahin ang nag-aalab na galit ni Rommel, mabilis siyang kumawala sa yakap ni Miguel. Sa sandaling mawala ang malambot niyang baywang sa palad nito, nagdilim ang mga mata ni Miguel. Kusang nagdaop ang kanyang palad, tila ba gustong hawakan ang natitirang init
Isinawsaw ni Miguel ang cotton swab sa ointment at marahang ipinahid sa sugat ni Hiraya.. Bahagyang yumuko ang kanyang katawan palapit kay Hiraya, nakatuon ang mga mata, at napakaingat ng kanyang galaw, parang hinahawakan ang isang napakahalagang kayamanan. Halatang iniiwasan din nito na masakt
“Congratulations, Miguel, ang iyung pagtatiyaga ay nagbunga din ng isang malaking gantimpala. Teka lang, gaano mo nga katagal binantayan si Hiraya?” tanong ni Don Lucero sa anak, puno ng kuryusidad at panunukso ang nababasa sa mukha nito.Kilalang disiplinado, walang amor sa mga babae pero nitong m
May labintatlong oras na pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas. Ilang beses munang tumunog ang video bago ito sinagot. Lumitaw sa screen ang isang guwapong mukha. Maayos ang kanyang kasuotan sa isang suit, at ang kanyang awra ay napakalinaw, na para bang inukit mula sa mitolohiyang Griyego.






![SECRETLY MARRIED to My Father's COLLEAGUE [A.G.S #2]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
