Mahaba ang naging pag-uusap namin ni Jeorge sa lugar na iyon, ang mismong lugar kung saan minsan naming itinayo at kalaunan ay winasak ang aming nakaraan. Paulit-ulit man ang kanyang paghingi ng tawad, naramdaman ko ang bawat patak ng sinseridad sa kanyang boses, na para bang hinuhugasan nito ang mga latay ng nakaraang sakit. Sa wakas, nagkapatawaran din kami nang buong-puso. Tuluyan na naming pinakawalan ang isa’t isa mula sa mga natitirang pait, hinanakit, at panghihinayang na matagal ding bumihag sa amin. Malaya na kami sa mga tanikala ng kahapon. Nang matapos ang aming pag-uusap, inalok niya ulit akong ihatid pauwi. Sa pagkakataong ito, hindi na ako tumanggi dahil mabigat ang katawan ko at kailangan ko ng katahimikan. Ngunit bago kami tuluyang makalayo sa lugar na iyon, napabuntong-hininga ako habang biglang sumagi sa isip ko ang isa pang taong bahagi ng buhay ko ngayon, ang lalaking pinili ko upang maging kabiyak ko. "Jeorge," mahinang sabi ko habang nakatingin sa labas ng bint
Magbasa pa