JEORGE Gabi na nang makauwi ang asawa ko. Marami siyang dala na mga paper bag na mga sosyal ang tatak, may Chanel, may Dior at kung ano-ano pang sigurado akong bag at sapatos ang laman. Umupo siya sa sofa kaya linapitan ko siya. "Bumili ka ba ng pagkain?" seryosong tanong ko. Bigla ay napatayo siya. "Shocks! Nakalimutan ko, Love," kunwaring malungkot na sabi niya."It's okay. I'm full, pero kapag nagutom ka, mag-order kana lang ng pagkain mo," seryosong sabi ko. Tumango naman siya at hindi na ako pinansin. Mas mahalaga pa sa kanya ang mga gamit kaysa ang alagaan ako. Asawa ko ba talaga siya? Hindi naman siya ang babaeng laging laman ng panaginip ko. "Sir! Tapos ko na pong linisin ang kotse niyo!" Mula sa labas ng pintuan ay nakita ko si Rolando. Wala siyang damit. "Sino siya?" Tanong ni Zebyana habang nakatingin sa lalaki. Iba ang naging paraan ng pagtingin niya sa lalaki, kumpara sa akin. "Si Rolando, bagong helper dito sa bahay," walang-ganang sabi ko. Ngumiti lang siy
Baca selengkapnya