ASHER "How was your day, Honey? Nakuha mo ba ang divorce paper, mula kay Jeorge?" Sinalubong ako ng masayang mukha ni Hover. Umiling ako at mahigpit siyang yinakap. "May problema ba?" malungkot na sabi niya habang inaalalayan akong makaupo sa sofa. "Ayaw niyang ibigay. Hindi niya rin ako maalala. May alam ka ba sa aksidenteng nangyari noong nasa Paris tayo?" seryosong sabi ko. Nakita kong natigilan siya at nag-aalangang sagutin ako. Bigla ay umiling siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Alam ko naman na hindi niya magagawang magsinungaling sa akin kaya I trust him more than anyone. "Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita," nakangiting sabi ko. "May kailangan pa akong tapusin sa office. Pwede bang pag-uwi ko nalang?" nagkakamot sa ulong sabi niya. "Pero, magdidilim na. Babalik ka parin sa trabaho?" nagtatakang tanong ko. Bigla ay niyakap niya ako at nilambing ako. "Kailangan, Honey. Bibilhan kita ng pasalubong pag-uwi ko, I'll promise," nakangiting sabi niya kaya hinayaan
Baca selengkapnya