“I am crying because I am happy,” mahinang tugon ni Yvee, habang pinupunasan niya ang luha sa gilid ng mga mata niya. Pilit siyang ngumiti, kahit halatang nanginginig pa ang boses niya.“Huh?” Napakunot ang noo ni Atlas, halatang hindi agad naintindihan. “P’wede po ba ‘yon? You’re happy but you’re crying?”Napangiti si Yvee. Inabot niya ang buhok ng kaniyang anak at marahang ginulo iyon. “Oo, anak. P’wede ‘yon,” sabi niya. “Look at me. I’m crying… but I’m happy.”Hindi pa rin kumbinsido si Atlas. Tinitigan niya ang mukha ng kaniyang ina, para bang hinahanap niya kung saan nagtatago ang sagot. “Then why are you crying, mommy?” tanong niya, mas mahinahon na ngayon.Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Yvee mula sa buhok ni Atlas papunta sa pisngi nito. Hinaplos niya iyon, parang sinisiguradong totoo ang batang nasa harap niya. “Kasi…” napahinto siya sandali, saka marahang ngumiti. “God granted my prayer.”Mas lalong kumunot ang noo ni Atlas. “Ano po ang pinag-pray mo?”Hindi agad sumagot si
Ler mais