Maagang sumilip ang araw sa loob ng tent. Mahina ang tunog ng alon, halo sa huni ng ibon…isang tahimik at preskong umaga. Dahan-dahang nagmulat si Yvee ng mata at saka bahagyang napaunat pero agad din siyang napatigil nang maramdaman niya ang bigat sa magkabilang gilid niya.Paglingon ni Yvee ay nakapulupot sa kaniya si Atlas sa kaliwa, nakayakap sa braso niya. Sa kanan naman, si Atticus, halos nakadagan pa ang paa sa kaniya. At sa kabilang side ay si Gideon. Nakahiga, nakapikit pa, pero halatang gising na rin base sa bahagyang paggalaw ng labi nito. “Mommy…” mahinang bulong ni Atlas, hindi pa nakadilat. “Good morning po…”Ngumiti si Yvee, saka marahang hinaplos ang buhok ni Atlas. “Good morning, baby.”“Mommy…” sunod na bulong ni Atticus, saka gumapang palapit at yumakap sa kaniyang ina. “Ang sarap pong matulog dito…”“Hmm,” sagot ni Yvee. “Pero ang bigat niyo pareho.”Napatawa si Atticus, saka mas lalo pang yumakap. “Eh! Miss na miss na po kita, mommy saka this is lambing!”“Saan m
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-14 อ่านเพิ่มเติม