“All rise.”Tumayo kaming lahat sa loob ng Supreme Court chamber, sabay-sabay, parang iisang pulso ang pagtayo ng mga katawan. Narinig ko ang sariling paghinga, mabigat, kontrolado, pilit na hinahawakan. Katabi ko si Nathan, ramdam ko ang init ng braso niya sa akin, ang bahagyang panginginig ng kamay niyang hindi niya naitago.Tahimik ang buong silid. Wala kahit isang bulungan. Kahit ang media sa likuran, nakapirmi ang mga camera, parang natatakot huminga.“Please be seated,” wika ng Chief Justice.Umupo kami. Direkta akong tumitig sa harap. Sa gitna, nakaupo si Senator Leandro Torres—nakaputi, payat, bakas ang ilang linggong kulong sa anyo niya. Pero kahit ganoon, buo pa rin ang tikas. Buo pa rin ang yabang.Hanggang ngayon.“After careful deliberation,” panimula ng Chief Justice, mabagal, malinaw, bawat salita ay parang martilyong bumabagsak sa hangin, “the Supreme Court finds Senator Leandro Torres… guilty beyond reasonable doubt.”Hindi ko napigilan ang pagkurap.Parang huminto an
Last Updated : 2026-02-21 Read more