“Babe, lumangoy ka muna—huwag mong isipin ang korte kahit limang minuto lang.”Napangiti ako sa boses ni Gian habang hinahatak niya ang kamay ko papunta sa pool. Malamig ang tiles sa ilalim ng paa ko, pero mas malamig pa rin ang loob ng dibdib ko. Isang linggong recess, sabi ng judge. Isang linggong pahinga. Isang linggong pagkakataon para hindi ko maramdaman ang bigat ng mundo sa balikat ko.“Limang minuto lang ha,” sagot ko, kunwaring seryoso, pero ang totoo, desperado na rin akong makalimot kahit saglit.Tumalon siya sa tubig, nagwisik ang malamig na alon sa balat ko. Napasigaw ako. “Hoy! Gian!”“Love, para kang hindi marunong mag-enjoy!” tawa niya, basang-basa na, buhok dikit sa noo, ngiting parang walang kinatatakutan.Sumunod ako, lumusong sa pool. Agad kumapit ang lamig sa buong katawan ko. Napapikit ako sandali. Sa ilang segundo, tahimik ang isip ko. Walang korte. Walang Aragon. Walang media. Walang galit.Kami lang.“Ganito ka dapat palagi,” sabi ni Gian, lumalangoy palapit,
Last Updated : 2026-02-21 Read more