GRAPES Paglabas ko ng Bar ay kaagad akong dumiretso sa ospital na sinabi ni Neil. hindi nga siya nagbibiro at talagang sa kanya ang ospital na ito. Nakalagay ang malaking signage ng Apelyido niya sa bungad ng ospital. Isang malaking private hospital iyon. Mabilis akong pumasok sa loob at tinanong kung saan ang kwarto ng nanay ko at nang malaman ko iyon ay kaagad akong nagpunta doon. “Nay!” saad ko na patakbong lumapit sa kanya. “Anak, mabuti at nandito ka na, napakaganda naman ng kwartong ito, mukhang mamahalin… bakit mo pa ako inilipat ng ospital?” “Eh, para ho mas matutukan ang lagay ninyo Nay,” “Hindi ba mahal ang bayad dito? Private hospital ata ito eh…” nag-aalalang tanong ng nanay ko. “Nay, wag mong isipin yung bayad… akong bahala sayo, pahinga ka lang dyan…” “Mukhang hindi ka pa ata natutulog, Anak…” “Kaka-out ko lang po sa Bar…” “Wag mong pabayaan ang sarili mo at magpahinga ka rin, Anak,” “Opo Nay, at saka malakas pa ako, bata pa ako, ano? Kayang-kaya ko pa
Last Updated : 2026-03-11 Read more