GRAPES“Ano? Totoo ba yan? I’m going to be a dad?” gulat na tanong niya. “Ilang araw ko ng iniisip ‘to, hindi ko alam kung anong gagawin ko… hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo… natatakot ako na na nalulungkot na hindi ko maintindihan…” napahikbi ako at humagulgol ng iyak. Pero si Neil… ngumiti siya at niyakap ako. “Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Hindi naman problema yan eh, sobrang saya ko, Grapes, bibigyan mo ako ng anak… Salamat!” saad niya at muling yumakap sa akin pero umiwas ako. “Neil, hindi mo naiintindihan… malaking problema ‘to, kasal ka kay Lianna, paano kapag nalaman niya? Natatakot ako…”“Wag kang matakot. Akong bahala sa inyo… pero please, ingatan mo ang sarili mo, kung pwede, wag ka na magtrabaho sa Club. Hindi naman problema ang pera, mas dadagdagan ko pa ang allowance mo.”“Ayokong maging pabigat sayo… hindi ko na talaga kaya, maghiwalay na lang tayo.” saad ko habang patuloy sa pag-iyak. “Grapes naman, sino bang may sabi sayong pabigat ka sa akin?! N
최신 업데이트 : 2026-04-29 더 보기