GRAPESBumisita ako kay nanay sa ospital ngunit nang makarating ako doon ay naabutan kong may nangyayaring kakaiba sa kanya. Namimilipit siya sa sakit. Katabi niya ang doktor at pilit siyang binibigyan ng gamot sa dextrose. “Doc, Doc, ano hong nangyayari sa nanay ko?!” natatarantang tanong ko. “Hindi tinatanggap ng katawan niya ang artificial kidney, kailangan natin ng agarang operasyon!”“Sige po Doc, operahan niyo na po ulit ang nanay ko! Ako hong bahala sa gagastusin!” mabilis na saad ko at tinawagan si Neil ngunit hindi siya sumasagot kaya pumunta ako sa company niya. “Ma’am, sorry po, pero hindi po kami nagpapapasok basta-basta kapag walang appointment kay Mr. Alcantara.” sabi ng staff. “Hindi ko naman kailangan ng appointment eh, girlfriend niya ako!” singhal ko sa staff ngunit ngumiti ito ng sarkastiko. “Ay, araw-araw ho may nagpapakilalang girlfriend ni Mr. Alcantara, gasgas na po ang alibi na yan…” “Anong alibi?! Nagsasabi ako ng totoo!” “Guard! Guard!” nagsimulang tuma
Last Updated : 2026-04-07 Read more