GRAPES“Na-depress ang tatay mo sa kahahanap sa inyo ngunit nakatagpo ulit siya ng bagong pag-ibig… kay Eliana, siya ang nanay ni Lianna ngunit namatay ito sa panganganak kay Lianna kaya mas lalong gumuho ang mundo ni Sir Conrad… hanggang sa nakilala niya si Cecille, ngunit sa hindi malamang kadahilanan, hindi na sila magkaanak pa ni Sir Conrad kaya simula noon ay hindi na nila sinubukan at isa pa, itinuring naman ni Senyora Cecille na parang tunay na anak si Lianna kaya naging maayos ang lahat sa loob ng maraming taon.” pagpapatuloy ni Yaya Rosa. Napahawak ako sa dibdib. Sobrang sakit ng mga nangyari noon… hindi lang sa nanay ko kundi lalong-lalo na sa tatay ko.Hindi ko akalaing sa pagtira ko dito sa Mansyon ay malalaman ko ang buong katotohanan…At hindi ako handa sa mga narinig ko pero… kailangan ko pa ring iligtas ang buhay ni daddy ngayon. Nasa panganib siya sa kamay ng Cecille na iyon!Matapos naming mag-usap ni Yaya Rossa ay bumalik ako sa kwarto ni daddy. Ang sabi ko kay Yay
Huling Na-update : 2026-08-03 Magbasa pa