GRAPES“Hindi ko alam na may talent ka rin pala sa pag-arte, sana sinabi mo kay Madam Leah para nabigyan ka niya ng promotion at nakapagperform ka sa stage.” sarkastikong sabi ko kay Orange. “Grapes, I’m sorry, magpapaliwanag ako.” “Magpapaliwanag? Na ano? Na niloko mo ako? Pinagmukha niyo akong tanga ni Neil! Ginawa niyo akong laruan! Alam mong nakunan ako pero hindi mo sinabi sa akin! Hindi ka na naawa! Hindi ka na nakunsensya! Siguro malaki binabayad sayo ni Neil noon, ano?!”“Oo, Grapes! Malaki ang binayad sa akin ni Neil, sobrang laki na hindi ko na kailangang magtrabaho sa club! At ang kailangan ko lang gawin ay alagaan ka! Wala akong ginawang masama sayo, pero ganito ang igaganti mo sa akin? Pagkatapos ng lahat? Totoong nag-aalala ako sayo, Grapes. Hindi ko intensyong lokohin ka, nagkataon lang na…” “Nagkataon lang na kailangan mo ng pera, sige, naiintindihan ko na… pero simula ngayon, pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin. Sinaktan mo ako ng sobra, ang buong akala ko ay k
Last Updated : 2026-06-30 Read more