“Good morning, baby…” Mahinang napasinghap si Maxine nang maramdaman ang sunod-sunod na halik ni Kael sa labi niya. Hindi pa siya tuluyang gising, pero ramdam na ramdam niya ang lambing nito—mainit, mabagal, at mapang-angkin. “Kael…” mahina niyang tawag, napapikit ulit nang kilitiin siya ng stubbles nito sa leeg niya. “Wake up, baby. May pupuntahan tayo,” bulong nito sa tainga niya, sabay ng marahang kagat sa earlobe niya. “Mm… ayoko pa…” reklamo niya, pilit pang hinihila ang kumot. Ngunit napamulagat siya nang maramdaman ang kamay ni Kael na marahang gumagapang sa bewang niya, pababa, na parang sinasadya siyang gisingin. “Kael!” napabangon siya bigla, hawak ang kamay nito. “Ang kulit mo!” Ngumisi lang ito, halatang tuwang-tuwa. “Good, gising ka na,” sabi nito, sabay halik ulit sa labi niya. “Bumangon ka na, baby. Breakfast is ready.” “Where are we going?” tanong niya, kahit medyo lutang pa. “It’s a surprise,” sagot nito, sabay kindat. Hindi na siya nakasagot pa
Read more