Hindi alam ni Alexa, kung ano ang isasagot kay Lolo Marcus. Naguguluhan pa siya sa sitwasyon, idagdag pa na hindi naman totoong may relasyon sila ni Lucas.“Lo, tigilan n’yo na nga yan, hindi pa namin napag-usapan ang mga bagay na ‘yan ni Alexa, masyado pang maaga para pag-usapan ang tungkol sa kasal.”“Tumahimik ka Lucas! At hindi ikaw ang kinakausap ko. Alam ko namang wala akong aasahan sa'yo. Buti na lang at si Alexa ang naging kasintahan mo, dahil kung hindi, ay baka itatakwil kita bilang apo ko, dahil diyan sa katigasan ng ulo mo.”“Lolo naman, sa pagkakaalam ko, nagmana lang naman ako sa inyo. At saka Lo, matitiis niyo bang itakwil ang kaisa-isa n’yong apo?” paghahamon pa ni Lucas sa Lolo nito.“Aba eh, bakit hindi? Ngayong nandito na si Alexa, dalawa na kayo ang apo ko. At hindi magtatagal, magkakaroon pa ako ng apo sa tuhod nito, di ba Alexa?” baling ni Lolo Marcus kay Alexa.“Ho?” agad namang pinamulahan ng mukha si Alexa sa turan ni Lolo Marcus.Hindi maitatanggi ni Alexa s
อ่านเพิ่มเติม