Magno! Anong gagawin natin, hindi pa rin natin nahanap si Alexa, baka napaano na ang batang yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari sa kanya.” Puno nang pag-alala ang boses ni Lisa.“Nag-iisip ako Lisa, ginigipit na ako nang matanda, bakit ba kasi tayo pinahihirapan ng babaeng yun, walang utang na loob! Matapos nating kupkupin, bihisan at pag-aralin ay lalayasan lang pala tayo,” galit na saad naman ni Magno.“Siguro natakot siya, nang matuklasang gagawin mo siyang pambayad utang. Hindi din naman kasi tama na gawin natin sa kanya ‘yun.”“At alin ang tama Lisa? Ang makulong ako at maiwan kang maghihirap? Ilang taon din natin siyang inalagaan, siguro naman hindi masama kung pakinabangan natin siya. At isa pa hindi naman siya maghihirap, mayaman naman ang mapapangasawa niya. Kung tutuusin ma s’werte nga siya at natipuhan siya ng matanda.”“Pero hindi naman ganun kadali ang lahat Magno, may sarili rin siyang buhay at desisyon, hindi natin siya p'wedeng pangunahan.
Terakhir Diperbarui : 2026-02-14 Baca selengkapnya