Mag-log inHindi maintindihan ni Alexa ang sarili, pakiramdam niya parang may mga nagliliparang paru-paro sa sikmura niya, para siyang naiihi na natatae na hindi niya mawari.“What's wrong? Mukhang hindi ka yata mapakali? Aren't you excited dahil papasok ka na sa isang University?” puna ni Lucas sa kanya, kasalukuyang nakahinto ang sasakyan ni Lucas sa harap ng isang prestigious University.“ Syempre excited, kaya lang medyo kinakabahan ako. Alam mo na, wala akong kakilala sa bagong school na ‘to, sa bagong mundo na papasukin ko, kaya medyo kabado lang.”Minsan, nagpaalam siya kay Lucas kung pwedeng bumalik siya sa pag-aaral, pumayag naman ito agad. At sa tulong nito nakapasok siya sa isang prestigious university sa syudad. Iba naman talaga kung mayaman at maraming koneksyon, lahat nagagawan ng paraan kahit sa maikling panahon.At ngayon, parang nanuyo ang lalamunan niya habang nakatanaw sa malaking gusali sa harapan niya. Unang araw niya sa school at nag-insist si Lucas na ihatid siya.“Don't
Tila parang panaginip lang lahat, ang gusto lang naman ni Alexa noon ay makatakas sa kamay ng sugarol niyang tiyuhin at huwag makasal sa taong hindi niya mahal, pero heto siya ngayon nakangiti habang nagpiprito ng itlog para sa asawa niya, sinong mag-aakala na ang lalaking tinakbuhan niya ay siya rin pala ang magpapatibok ng puso niya. “Ay kabayo!” napaigtad siya ng biglang may matipunong mga braso ang yumakap sa kanya mula sa likuran. “Hmmm ang bango naman,” mahinang anas nito sa tenga niya na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at kunwaring sumimangot ng humarap sa asawa. “Ano ba Lucas, tigilan mo nga ako, kita mong nagluluto ako eh, pwede bang umupo ka muna doon at tatapusin ko lang itong ginagawa ko,” wika niya at ininguso ang bakanteng silya. Ngunit umiling lang si Lucas at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya habang masuyong inamoy-amoy ang leeg niya. Never in her wildest dream that she would end up marrying Lucas. Noon
Parang mabibingi si Alexa sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib, habang maingat siyang inihihiga sa kama ni Lucas. Namumungay ang mga mata nito na puno ng pagnanasa. Napalunok siya ng humagod ang mga kamay nito sa makinis niyang hita.“Lucas,” impit na daing niya habang nakapikit ang mga mata, nagsimula ng uminit ang pakiramdam niya. Para bang ang bawat haplos nito ay nagdudulot ng kakaibang init sa buong sistema niya.Maya-maya lang ay naramdaman na lang niya ang mga labi nito sa mga labi niya, kusang gumalaw ang mga labi niya upang salubungin ang mga halik nito. Mainit, mapusok, mapaghanap at puno ng pagnanasa. Di mapigilan ni Alexa ang mapaungol, nadadarang na siya sa init na dala ng mga halik at haplos ni Lucas. Hanggang sa tuluyang kumawala ang emosyon na matagal na niyang kinikimkim, buong puso siyang nagpaubaya kay Lucas hanggang sa sabay nilang narating ang rurok ng kaligayahan. Kapwa sila hingal at habol ang hininga matapos ang isang maiinit na pagniniig.Kinabukasan, hindi m
Halos hindi makapaniwala ang mga empleyado ni Lucas sa narinig, lalong-lalo na ang personal secretary nito na si Maricel. Ang buong akala ng mga ito ay isa lang siyang hamak na katulong kaya isang malaking pasabog sa mga ito nang sabihin ni Lucas na asawa siya nito.“Lucas, bakit mo naman sinabi sa kanila na asawa mo ako? “ tanong niya kay Lucas matapos niyang makapagbihis.“Bakit naman hindi? Talaga namang asawa kita. Dapat lang na malaman nila ng sa ganun respetuhin ka nila gaya ng pagrespeto nila sa akin. Bakit ayaw mo bang malaman nila na asawa kita?” “H-hindi naman sa ganon. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka kasi masira ang reputasyon mo dahil sa isang hamak na katulong lamang ang pinakasalan mo.”“The h*ll I care, sa sasabihin ng iba. Hindi ko kailangan ang approval nila.Huwag mong maliitin ang sarili mo Alexa, ikaw ang napiling babae ni Lolo Marcus para sa akin at isa lang ang ibig sabihin no’n,espesyal ka at iyon lang ang mahalaga at hindi ang opinyon ng iba.”Lihim na
Tahimik lang si Alexa habang nasa byahe papuntang resort. Panay ang sulyap sa kanya ni Maricel dahil sa tabi ni Lucas siya nakaupo. Siguro hindi ito sanay na may naka-upo na sa dating p'westo nito. Sa wakas pagkatapos ng mahabang byahe ay nakarating na rin sila. Pagbaba niya ng sasakyan ay ramdam niya agad ang malamig na simoy ng hangin. “Hay! Ang sarap naman dito, nakaka-relax ang ambiance,” wika niya habang nakapikit ang mga mata at tila ninanamnam ang sarap ng hangin na dumadampi sa kanyang pisngi. “I'm glad at nagustuhan mo ang lugar, this is one of my favorite place na pagmamay-ari ni Lolo. Dito kami madalas magbakasyon tuwing summer. I have lots of good memories, sa lugar na ito.” “You mean, si Lolo Marcus ang may-ari ng magandang lugar na ito,” manghang tanong niya kay Lucas, sabay mulat ng kanyang mga mata. Tumango lang si Lucas bilang pag–sang ayon. “Sir Lucas, tayo na po sa loob. Tiyak na naghihintay na sa inyo ang mga kasama natin,” sabat ni Maricel sa usapan nil
Tahimik lang si Alexa, habang lulan ng sasakyan ni Lucas pabalik sa bahay nito. Pagkatapos ng tanghalian ay nagpaalam na ito kay Lolo Marcus na babalik na sila ng Maynila. Ayaw pa sana silang pakawalan ni Lolo Marcus pero ayaw papagil ni Lucas. Kailangan daw ito sa kompanya at hindi pwedeng manatili siya ng matagal sa bahay ng Lolo niya. Kaya walang nagawa ang matanda kundi ang payagan na lang sila na umalis.Naiilang si Alexa sa sitwasyon nila ni Lucas. Nahihiya siya rito pagkatapos niyang isuko ang sarili niya dito noong nagdaang gabi. Ayaw niyang unang magsalita dahil hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin. Tahimik lang din ito habang nagmamaneho at naka pokus ang buong atensiyon nito sa kalsada.“Lexie, kumusta ang gising mo kanina?” basag nito sa pananahimik niya.“Okay naman,” tipid niyang sagot rito.“Mabuti naman, akala ko kasi masama ang gising mo. Kanina ka pa kasi walang imik, ano ba ang iniisip mo?”“Ha! Eh, wala naman, napagod lang siguro ako kagabi.”Pinamulahan s
Hindi mapalagay si Alexa nang gabing iyon. Unang gabi nila bilang mag-asawa ni Lucas. Wala pa ito sa kwarto nila pero kinakabahan na siya. Hindi naman pwedeng hindi sila magkasama sa iisang kwarto dahil mabubuking ang pagpapanggap nila kung saka-sakali.Pumunta siya ng banyo, upang mag-shower, kani
“Ano! halos sabay na bigkas ni Alexa at Lucas. “Tiyo Magno, ano po ang ibig ninyong sabihin? Si Lolo Marcus ba ang tinutukoy niyo na matandang pinagkakautangan ninyo?” gulat na tanong ni Alexa. “Siya nga Alexa, ang taong tinakasan mo. Pero akalain mo ba naman, tumakas ka pa gayong nobyo mo naman
Nang araw na iyon ay napag-utusan si Alexa ni Lucas na mag-grocery. Paubos na kasi ang laman ng refrigerator nila. Inutusan din siya nitong bumili ng kung ano raw ang magustuhan niya. Ibang klase din si Lucas, ang galanteng amo. Dahil hindi naman niya kabisado ang lugar kaya nag-taxi na siya papun
Nang gabing iyon, ay nawala ang antok ni Alexa, dama niya pa rin ang lakas ng dagundong na kanyang dibbib. Pilit niya mang ipikit ang mga mata, ay mukha ni Lucas ang nakikita niya.“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?” tanong niya sa sarili habang tinapik tapik pa niya ang da







